Wednesday, November 11, 2009

Sentro and the Get Real Gang

Yesterday, Sentro ng Katotohanan, again, had as guest Get Real advocate OrionD who brought along Get Realist Laurence and Pinoy Buzz blogger Paul Farol. The broadcast is now available for download or listening online.

Meanwhile, the following is the transcript of yesterday's Sentro Talking Points..

Ang Tanging Pamilya

Bukas po yata ay lalabas na ang pelikulang “Ang Tanging Pamilya”, kung saan bida ang dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada, kapartner niya si Ai-Ai delas Alas. Kasama rin sa pelikula sina Toni Gonzaga at si Sam Milby. At introducing sa pelikula si “PacMom”, Mrs. Dionisia Pacquiao. Manonood ba kayo?

Nung last week, nabasa ko naman pinag-uusapan ang Ninoy-Cory Movie. Pinag-iisipan pa kung sino ang lalabas na mga artista. Baka si Piolo Pascual at si JudyAnn Santos daw ang lumabas na Ninoy at Cory nung bata pa sila.. yun daw ang gusto ng magkakapatid… O baka raw John Lloyd o Bea Alonzo…, parang yun naman ang gusto ni Kris Aquino.. Pwede rin daw si Vilma Santos ang gumanap na Cory Aquino noong presidente na, kaso baka daw magkaroon ng restriction kay Vilma Santos dahil sa campaign. Kaya baka si Sharon Cuneta na lang.. Ibig sabihin, inaasahan po siguro na lalabas ang pelikula during the campaign period sa 2010. Pwede rin daw si John Lloyd ang lumabas na Noynoy. Si Kris Aquino daw, si Kim Chiu daw ang gusto niyang artista na lumabas na Kris.

Ano sa palagay niyo, OK ba to?

Alam ninyo, medyo un-easy ako dito sa mga pangyayaring ito eh. Hindi kaya kabastusan na ito? Binabastos na tayo ng harap-harapan e parang naka-smile pa rin tayo? Para yatang binobobo na tayo ng husto ng mga politikong ito, ano po sa palagay ninyo?

Payag po kaya si Senador Noynoy Aquino sa mga developments na ganito? Gusto kaya po niya talaga na magkaroon ng Ninoy at Cory movie bago mag-eleksyon? Ganito po kaya ang integrity na ibig sabihin ng supporters ni Noynoy? Ano po kaya ang pinag-kaiba sa kampanya ng kampo ni Noynoy at ni Erap.

Alam ninyo sa mga advanced countries, kapag ganito ang presidentiable, sigurado talo na. Sigurado, kinabukasan, kakausapin na kayo ng mass media at babanatan maghapon sa ere. Pero bakit kaya dito sa atin, OK lang.. OK lang po ba kaya kasi talaga sa mga taong bayan? O, ok lang po kaya kasi sa Mass Media.

Ang producer po ng Ang Tanging Pamilya ay Star Cinema na pag-aari ng ABS-CBN. Sinasabi, kapag natuloy ang Ninoy and Cory Movie, Star Cinema din ang mag-pro-produce. Araw-araw po, pag nakikinig ako sa radyo at TV sa mga commentators ng ABS-CBN, tira po sila ng tira sa corruption ng gobyerno. Hindi po kaya kaparte sila sa corruptiong mga nagaganap?

Napanood ko iyong trailer nung Ang Tanging Pamilya. Comedy po. Nakatuwa naman sina Ai-ai, at Tony Gonzaga. Pero si Pangulong Erap hindi po talaga nakakatawa. Kasi, parang nahihirapan nang kumilos. Parang mamasa-masa yung mata at hindi makakilos ng mahusay, Pati magsalita parang nahihirapan. E siempre naman, mahigit 72 years old na siya eh. Si Ai-ai delas Alas, 45 years old pa lang.., pero ang labas nila mag-asawa.. Sa totoo lang, hindi ko alam kung may manonood nito. Nung pinanood ko yung trailer, medyo sumakit po ang ulo at batok ko. Pinipilit ko pong magustuhan pero ayaw po talaga.

Alam niyo, ang dating pangulong Estrada ay na-convict po sa kasong plunder. Na-convict po, ibig sabihin po noon e napatunayang kumuha siya ng milyon o bilyong piso..., pera na sana ay nagamit natin sa bayan para sa mahihirap. Sa palagay po ninyo, nakakatawa po ba iyon?


www.leadphil.blogspot.com

2 comments:

PRF said...

Arnel,

Thanks for inviting us to your radio show. It was really fun and I really loved the piece that you read, it was funny and quite insightful.

To me, it really drives home the point that as far as our search for leaders is concerned, we ought to really discern between someone who just acts like it and someone who is really a leader.

Ang isang naisip kong challenge eh ganito, iyan bang minamanok mong bilang Presidente eh susundin ng tao? Susundin mo ba?

Kapag sinabi ba ni Erap na mag-family planning ka, magfa-family planning ka?(Ang dami niyang anak ano!)

Kapag sinabi ni Erap na dapat magsipag ang mga Pilipino at magtapos ng pagaaral, gagawin ba ito? (Alam naman nating magdamag tumotoma at nagsusugal si Erap at sa araw, halos di mo maasahan na magtra-trabaho. Hindi rin siya tapos na pagdadalubhasa o ng kahit anong kurso.)

Ganun lang naman ako mag-isip at kung gusto nating kumplikahin ng konti, tanungin rin natin kung ano ba ang alam ng taong susundin natin kung paano aayusin ang mga mabibigat na problemang hinaharap nating lahat.

Dagdag diyan, tanungin natin kung ano ang experience niya sa pagbibigay ng solusyon (hindi lang ng puna) sa mga problemang ito. Kung naging lider man ang manok natin, tignan natin ang ginawa niya sa bayan niya nung nanunungkulan siya.

Yun na lang muna Arnel, pinasaya mo talaga kami, next week ulit!

Arnel B. Endrinal said...

Hi Pinoy Buzz, it is my pleasure to have you in the program..

As you know, our program tries to provide information and promote critical thinking. I am sure your ideas and how you develop them are helping us a lot on this goal..

Indeed, see you soon..