Meanwhile, the following is the transcript of the same broadcast's talking points.
Ang Mindanao Peace Problem
Sa Mindanao, nasa balita po yung tungkol sa nakidnap na pari na si Fr. Sinnott dun sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur. Pinag-aawayan po sa balita ng gobyerno at ng MILF ang kidnapping na ito. Sabi po ng gobyerno, ang MILF daw ang nasa likod ng kidnapping. Ang sabi naman po ng MILF, hindi raw sila ang nagkidnap. Tumutulong pa nga raw sila para ma-secure ang biktima.
Natatandaan ko nung 2007, meron din pong foreigner na pari na nakidnap sa Mindanao. Kung natatandaan ninyo, si Fr. Bossi, isang Italian priest po ay nakidnap din sa Zamboanga Sibugay, pero buti na lang na release din. Matagal na panahon na po, may mga pari ang missionaries na nakikidnap doon. Kahit nga si Ces Drilon, nakidnap din daw. Meron din mga nakidnap na iba pang mga broadcast journalists...
Noong 2001 po nakidnap din ang mag-awang Martin at Gracia Burham. Binabasa ko nga po yung libro na ginawa ni Gracia Burnham tungkol sa kidnapping na iyon, makikita po natin na talagang may malaking problema tayo. Ang masama po nito, pinagdududahan din po noon maging ang mga politiko nang involvement sa mga kidnapping na ito..
Ang tanong ko po, ano po ba talaga ang problema natin sa Mindanao? Darating po ang Eleksyon sa 2010, pero bakit po ang mga politiko natin ay walang sinasabi tungkol sa problema na ito? Bakit po hindi nila sinasabi kung ano ang magandang solusyon sa problema doon? Hindi po ba nila alam ang kasagutan?
Noong na-interview po natin si MMDA Chairman Bayani Fernando, ang sinabi po niya, kailangan daw ay dagdagan ang government service sa Mindanao. Dapat daw ay hindi lang basta government service ang ibigay sa tao, kundi isang uri ng government service na talagang mapapa-wow ang mga mamamayan. Dapat daw, parating nag-iimprove ang government service ng sa gayon ay parating nagmamatyag ang mga tao at hindi magiging abala sa pagrerebelde. Sabi rin po niya, kailangan daw ang superior technology para sa ating military, para mabawasan ang casualty sa parte ng gobyerno. Kapag ganito daw ang ginawa, unti-unti raw mawawalan ng saysay ang mga rebelde doon. Nagkulang lang po ang oras namin sa interview kaya’t hindi ko na naitanong kung paano popondohan ang mga solusyon na ito. Kung maganda po ang solusyon ni Chairman, nasa mga tao na po iyon. Pero si Chairman, hayun mababa sa survey.
Ang mga nangunguna sa survey, sina Noynoy at Villar, ano po ba ang solusyon nila? Hindi ko po alam. Baka po kulang lang ang research ko pero wala po akong nakita. Kung may alam po kayo, sabihan niyo kami. Pero ang importante po, iyon dapat ang mga issues na pinag-uusapan natin. Kailangan po siguro pagdebatihin natin ang mga presidentiables tungkol dito. Dapat po siguro itanong natin kung paano popondohan ang kanilang mga plano. Dapat rin po siguro itanong natin sa kanila kung ano ang mga nagawa na nila sa mga nakaraan na magpapatunay na kaya nilang gawin ang kanilang mga pinaplano.
Sa totoo lang po, kapag hindi natin tinanong sa panahong ito ang mga kandidato, magbabago po kaya ang bayan natin matapos ang eleksyon sa 2010? Kapag hindi po natin sila tinanong ngayon, palagay ninyo magkakaroon ng katahimikan sa bayan natin lalo na sa Mindanao? Kapag basta bumoto na lang tayo, yayaman po ba ang Pilipinas, mawawala po ba ang mahirap? Sa palagay ko po, hindi e. Pero pag tinanong natin sila at pinilit natin silang sumagot, may tsansa po tayo sa mas magandang hinaharap. Kasi po iyong magiging sagot nila ay magiging commitments nila sa bayan.
So please lang po, tanungin natin ang mga kandidato. Ito po ay para sa kapakanan ng mga pinaka-mahihirap sa ating bayan. Ito po ay para sa kapakanan ng mga anak natin at sa kanilang kinabukasan.
www.leadphil.blogspot.com
No comments:
Post a Comment