Saturday, November 14, 2009

Ang Kapatiran Party goes to Sentro

Ang Kapatiran Party founder, Mr. Nandy Pacheco, and one of Ang Kapatiran senatoriable, the book Author Manny Valdehuesa Jr. visited our station and joined our program Sentro ng Katotohanan last Thursday.

Mr. Valdehuesa recently published a book called A NATION OF ZOMBIES: POWERLESS GRASSROOTS, CLUELESS ELITE AND THE CYCLE OF CORRUPTION IN THE PHILIPPINES.

The archived broadcast is now available for download or listening from www.leadphil.blogspot.com

Meanwhile, last thursday's talking points transcript follows:

Ang Kano para sa Amerika, Pinoy para sa Pilipinas

Dumating na nga raw po si US State Secretary Hillary Clinton sa Pilipinas. Dati po, nung siya ay first lady pa, alam ko nagpunta na rin siya sa Pilipinas. Tayong mga Pinoy ay sinasabing mga hospitable na tao, kaya welcome po kay Sec. Clinton.

Kaninang umaga, narinig ko sa radyo na hinuhulaan ng mga commentators kung ano ang dahilan kung bakit nagpunta sa Pilipinas si Sec. Clinton. Ang opisyal kasing statement ng Malacanang e kaya raw pupunta sa Pilipinas ay para ipakita ang solidarity ng American People sa Filipino People, lalo na tungkol sa naganap na pagbagyo at delubyong nakaraan. Parang gustong palabasin ng mga commentators na napakasinungaling ng mga government officials natin at ayaw pa kasing sabihin ang totoo, na marahil daw ang pag-uusapan ay ang Visiting Forces Agreement.

Alam niyo, ang VFA ay isang bagay na tila mo napakasama ang dating sa mga Pinoy dahil sa mga naririnig natin. Ito raw ang lumalabas na pakana ng Amerika para masagkangan ang ating kalayaan.

Sa totoo lang po, hindi naman po dapat itanong pa kung bakit nagpunta dito si Clinton. Sigurado naman po kasi natin na kung ano man ang gagawin niya ay para sa interes ng Amerika. Siempre... Alangan naman na kaya siya pumunta dito ay para sa kapakanan ng Pilipinas? So, nakakatawa kung gagawing issue pa yan.

Ang tanong po siguro marahil ng karamihan ay kung masama ito o mabuti para sa Pilipinas? Kung ako po ang tatanungin, wala po sa Amerikano ang ikabubuti ng bayan. Wala rin po sa Japan o sa China, maging sa Russia o sa Saudi Arabia.. Ang ikabubuti po ng Pilipinas ay nasa kamay po ng mga Pilipino, nasa sa ating Leader po kung ano ang magiging direksyon ng bayan natin, lalo na sa may kinalaman sa pakikihalubilo natin sa daigdig. Ito po ay nagdedepende kung sinong Leader ang iluluklok natin sa gobyerno. Kung ang isinusulong po ni Clinton ay ang American Interest, nasa sa atin naman po na pangalagaan ang ating sariling interest... Ang mahalaga po ay napapangalagaan natin ang ating interest nang hindi tayo nakikipag-away sa ibang bayan. Ang maganda nga po e kung meron pa tayong maproprobecho sa kanila, eh kuhanin natin pero nang hindi natin isinasakripisyo ang pangmatagalang kapakanan ng ating bayan. Ngayon, kung akala po natin, si Clinton ang may dahilan kung bakit tayo ay nagiging kawawa sa mundo, e nagkakamali po tayo.

Kung tungkol sa VFA lang ang dahilan ng pagpunta ni Sec. Clinton dito, kailangan pa ba talagang magpunta siya. Di po ba, tawag lang sa telepono pwede na? Obvious po, kaya po nagpunta rito ay para ibenta ang Amerika sa bayan natin.. ibig sabihin po para ipakita ang kanilang magandang mukha... Siguro sa pamamagitan ng pagpapakita sa atin na importante ang bayan natin sa Amerika.

Eh dahil po sa importante rin ang Amerika sa atin, dahil
- ang Amerika po ang may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo,
- ang Amerika rin po ang maaring makatulong sa ating external security dahil sila ang may pinaka-modernong military,
- ang Amerika rin po ang may kapasidad na magpagulo o magpatahimik sa buong mundo dahil sa kanilang involvement sa kung saan saan.. talagang importante po ang Amerika sa world affairs,

E kailangan pong ipakita natin ang ating hospitality kay Sec. Clinton. Kailangan lang pong malinaw sa atin kung ano ang kailangan natin sa Amerika, at gamitin naman natin bilang leverage ang mga bagay na kailangan naman nila sa atin.

So welcome po Sec. Clinton! we wish you good tidings. Merry Christmas na rin po in advance!

No comments: