The following is the transcript of yesterday's talking points..
MGA SAKUNA AT ANG 2010
KAHAPON MAY EARTHQUAKE SA INDONESIA, SA PADANG CITY, ISLAND OF SUMATRA, 7.6 ANG MAGNITUDE SA RICHTER SCALE, AT LEAST 200 PEOPLE DEAD, KINATATAKUTAN NA MAHIGIT 1,000 ANG NA-TRAP SA MGA BUILDING NA GUMUHO.. NAGLABAS DIN NG TSUNAMI WARNING SA MARAMING COASTLINES PERO NA-LIFT ONE HOUR AFTER. MAY MALL DAW AT MGA HOSPITAL NA BUMAGSAK, MARAMI RAW HOTELS AT BAHAY NA NASIRA.. NARAMDAMAN DIN DAW ANG EARTHQUAKE SA JAKARTA, MALAYSIA AT SINGAPORE PERO WALANG NAIULAT NA PINSALA DOON… KANGINA, MAYROON NA NAMANG MALAKAS NA LINDOL, 6.8 ANG MAGNITUDE SA RICHTER SCALE.
NUNG WEDNESDAY PALA, MAYROON DING EARTHQUAKE SA SOUTH PACIFIC, SA SAMOA AT AMERICAN SAMOA, NAGKAROON DAW NG TSUNAMI AT PUMATAY DAW NG MAHIGIT 100 KATAO.. MAHIGIT LABINDALAWANG AFTERSHOCKS PA RAW ANG NARAMDAMAN AFTER THAT..
SAMANTALA, ANG BAGYONG SI ONDOY (INTERNATIONAL CODE NAME KETSANA) AY NAKAPINSALA DIN SA VIETNAM AT CAMBODIA, TINATAYANG MGA 100 DIN ANG NAPATAY NITO SA DALAWANG BANSANG IYON BAGO TULUYAN NG HUMINA PAGDATING NG LAOS..
SA PILIPINAS, ANG ESTIMATE NA DAMAGE NI ONDOY AY ABOUT 250 CASUALTIES, ABOUT 2.3 MILLION PEOPLE DIRECTLY AFFECTED BY THE FLOODS, ABOUT 400,000 PEOPLE ARE IN EVACUATION CENTERS, AND ABOUT P4.6B WORTH OF DAMAGE..
AT ALAM PO NATIN NA MAYROON PONG PARATING PA NA BAGYO.. TYPHOON PEPENG NA MAY STRENGTH 130KPH AT PAGBUGSO HANGGANG 160KPH…
MAYROON PO TAYONG MGA PUNTO SA LAHAT NG ITO. HINDI PO NATIN ALAM KUNG ANO ANG MANGYAYARI SA ATING KAPALIGIRAN. MAARI PO, ANYTIME AY MAGKAROON NG SAKUNA. MASWERTE PA NGA PO TAYO SA BAGYO DAHIL NAKIKITA NATIN ITO BAGO DUMATING AT NAGKAKAROON TAYO NG WARNING. MAS MALAS ANG TINATAMAAN NG EARTHQUAKE, WALANG ITONG WARNING BAGO DUMATING…
IBIG SABIHIN PO NITO AY DAPAT TAYONG PALAGING HANDA SA KUNG ANO MAN ANG MANGYARI. DAPAT PO AY ALAM NA NATIN ANG LAHAT NG ATING GAGAWIN KUNG SAKALING MAY MGA SAKUNANG MANGYAYARI.
KAILANGAN PO AY ALAM NATIN KUNG ANO ANG GAGAWIN KAPAG MAY BAGYO O PAGBAHA, KUNG ANO ANG MGA PAGHAHANDA NA DAPAT GAWIN..
KAILANGAN DIN PONG PAGHANDAAN ANG PAG-LINDOL, AT KUNG ANO ANG GAGAWIN KAPAG MAY TSUNAMI
KAILANGAN PO AY PAG-ARALAN NATIN PAANO UMIWAS SA SUNOG AT KUNG ANO ANG GAGAWIN KAPAG MAYROON NITO.
KATUNGKULAN PO NATIN LAHAT, NG BAWAT ISA SA ATIN, ITO, PARA SA KAPAKANAN NG ATING PAMILYA. KATUNGKULAN DIN PO NAMIN SA MASS MEDIA NA KAYO AY PAALALAHANAN AT GISINGIN KUNG KINAKAILANGAN..
MAYROON DIN PONG DAPAT GAWIN ANG GOBYERNO PARA MAPAGHANDAAN ITO.. NANDYAN NA PO YUNG
PAGLAGAY NG EARLY WARNING SYSTEM, (STORM TRACKING, TSUNAMI WARNING)
PAGTATALAGA NG EMERGENCY RESPONSE SYSTEMS
PATI NA RIN ENVIRONMENTAL PROTECTION
DRAINAGE IMPROVEMENT
AT FACILITIES INSPECTION AND REGULATION
MAGING ANG PANINIGURADO NG SEGURIDAD NG BAYAN LABAN SA TERORISMO AT INTERNATION AGRESSION AY DAPAT GAWIN NG GOBYERNO
MAKIKITA PO NATIN NGAYON ANG KAHALAGAHAN NG GOBYERNO AT NG MGA TAONG NAGPAPATAKBO NITO. AT KUNG MAY MGA PAGBABAGO PO TAYONG DAPAT GAWIN SA GOBYERNO, ANG DARATING NA ELEKSYON LAMANG PO ANG ATING PINAKA EPEKTIBONG SANDATA. DAPAT PO AY KILATISIN NATIN ANG MGA TAONG KUMAKANDIDATO SA MGA PUNTONG SINASABI KO
HALIMBAWA, SA SAKUNANG NANGYARI, SINO PO ANG MAY KAPASIDAD NA MAKATULONG PARA MAIWASAN ANG MAIBSAN ANG SAKUNA. PARANG NAKALALAMANG NA PO SINA BAYANI FERNANDO AT DICK GORDON DI PO BA?
SI BAYANI FERNANDO, NAGSAAYOS NG BASURA, PINAGANDA ANG MARIKINA, INAYOS ANG ILOG DOON, INALIS ANG SQUATTER SA ILOG AT CREEKS, PERO TINAMAAN DIN NG MALAKI ANG MARIKINA, AT PARANG HINDI SAPAT ANG PAG-AAYOS NIYA SA MAYNILA, MAYROON KAYA SIYANG PAGKUKULANG DOON?
SI DICK GORDON, SIYA PO ANG CHAIRMAN NG PNRC, PERO BILANG SENADOR, ANO PO ANG GINAWA NYA PARA MAKAPAGHANDA TAYO SA SAKUNA?
SI JOJO BINAY PO, MAYOR NG MAKATI AT DATING MMDA CHAIRMAN, MAS MAGANDA PO BA SANA ANG KINALAGYAN NG METRO MANILA KUNG SIYA ANG NAKAUPO, MAS MADALI PO BA SANANG HUMUPA ANG BAHA? ANO PO BA ANG GINAWA NIYANG PAGHAHANDA NOONG SIYA AY NASA MMDA?
SI LOREN LEGARDA, MAINGAY PO ANG KAMPO NIYA TUNGKOL SA ENVIRONMENTAL PROTECTION, MAYROON PO BA SIYANG MGA BATAS NA IPINASA UPANG MASIGURO ITO, MAGANDA PO BA ANG BATAS AT PRAKTIKAL, O BAKA MGA BATAS LAMANG NA MASABI LANG NA MAYROON, O PARA MAKASUNOD LANG SA MGA INTERNATIONAL REQUIREMENTS?
SINA NOYNOY AQUINO, CHIZ ESCUDERO, ERAP ESTRADA, MAYROON PO BA KAYONG NARIRINIG UKOL SA GANITONG ISSUE?
HINDI PO ITO LAMANG ANG ISSUE, NANDYAN PA RIN PO ANG EKONOMIYA, ANG HEALTHCARE AT EDUCATION, ANG NATIONAL SECURITY, ANG INTERNATIONAL RELATIONS.. DAPAT PO AY KILATISIN NATIN NG HUSTO ANG LAHAT NG KANDIDATO, MULA PANGULO HANGGANG SENADOR, CONGRESSMEN, GOVERNORS AT MAYORS.. KAILANGAN PO HANAPIN NATIN KUNG ANO ANG MGA GINAWA NG MGA KANDIDATO SA BAWAT ISSUE, HINDI KUNG ANO LANG ANG SINASABI NILA O NG MGA KAKAMPI NILA.. DAPAT PO AY MAKINIG TAYO SA RADYO AT MANOOD NG TV, MAGBASA NG DYARYO, AT KUNG MAY ACCESS AY MAG-RESEARCH DIN SA INTERNET…
SA RADIO AT TV, PILIIN PO NATIN ANG MGA MGA PROGRAMA NA WALANG AGENDA,WALANG PINAPANIGAN NA KAMPO, YUNG PATAS SA LAHAT NG KANDIDATO, YUNG NAGBIBIGAY NG SAPAT NA ORAS SA LAHAT NG KANDIDATO AT HINDI INIINTERVIEW LAMANG YUNG SIKAT AT MAYAYAMAN… NASA KAMAY PO NATIN ANG KINABUKASAN NG ATIN BAYAN. NASA KAMAY PO NATIN ANG KINABUKASAN NG ATING MGA ANAK.
No comments:
Post a Comment