Wednesday, October 21, 2009

Gov. Joey Salceda talks to Sentro on Reconstruction

Albay Governor and Presidential Economic Adviser Joey Salceda talked yesterday with Sentro ng Katotohanan on the Philippine Private-Public Reconstruction Commission. The commission, tasked, among others, to source among International Donors at least P47Billion of funds, is to be headed by high-profile businessman Manny Pangilinan, and co-chaired by Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal and Finance Sec. Margarito Teves.

Gov. Joey Salceda in the interview talked in length about the issue of relocating illegal settlers especially those directly affected by the recent disasters. The interview is now uploaded and may be downloaded or listened to from www.leadphil.blogspot.com.

Meanwhile, the following is yesterday's talking points at Sentro ng Katotohanan.

IBA'T-IBANG TANONG

Noon minsan, napag-usapan natin dito na wala pang gaanong accomplishment si Senador Noynoy Aquino. Kung meron man po, ay hindi natin alam. Sana po ay ipaalam niya sa mga taong bayan ang kanyang accomplishments. Kung tunay na pagbabago ang gusto niya, huwag naman po sanang pareho din sa iba ang kanyang kampanya. Kasi po, kapag ganoon, alam na po nating hindi totoong pagbabago ang kanyang isinusulong.

Noong nakaraang buwan, nabasa ko po sa internet ang komentaryo ng koluminstang si Tony Abaya, kung saan inilahad niya ang kanyang Questions for Noynoy, o ang mga katanungang dapat itanong ng bayan kay noynoy. Minsan din, may tinext sa kin ang ilang mga kaibigan ko na mga tanong din sa kanya, mga katanungang dapat niyang sagutin. Of course, nandyan na ang tungkol sa Luisita na tila mo hindi na-handle ng kanyang pamilya nang mahusay. Sinasabi nga ng iba, kung ang sarili niyang hasyenda ay hindi niya mapatakbo ng mahusay, bayan pa kaya? Meron naman na nagsasabi na minana lang niya ang problema dun, hindi yun kanya. Ganun nga kaya? Ibig bang sabihin, ni sa sarili niyang pamilya ay walang siyang say? Kung sa pamilya niya ay wala siyang patol, bakit kaya nagkaganoon? Paano niya masasabing pwede siyang mamuno ng bayan kung ang mga ganung problema ay hindi niya magampanan o ginagampanan?

Ang ilan pang maraming tanong sa kanya ay yung kakulangan niya ng accomplishments. Ang iniiisip ng marami ay bakit sa tagal ng panahon na siya ay nasa kongreso at tatlong taon sa senado ay ngayon lang natin siya narinig? Anong issue ba siya pumagitna? Para daw siyang missing in action? Kung senador o congressman ay wala nang magawa, maging presidente pa kaya, hindi raw kaya gamitin lang sya ng mga ibang politiko?

Meron pa rin nagtatanong sa kanya tungkol sa stand niya sa reproductive health bill. Paano raw siya susuportahan ng simbahang katoliko (na siyang sumoporta sa kanyang ina) kung itong reproductive health bill ay sinuportahan niya? Paano rin daw niya sasagutin sa kanyang konsiyensa ito kung siya ay isang katoliko? O baka raw katoliko lang siya for convenience?

Still, marami pa rin ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinapakitang plataporma, puro raw generalities and platitudes lang ang kanyang sinasabi, walang specific. Pero in fairness to him, napanood ko minsan yung isang ANC forum kung saan pare-pareho sila nina Villar, Escudero ng style. Pare-pareho ang stand, pero iba-iba lang ang itsura. Meron pa nga akong nakitang website na ang tanong sa lahat ng mga kandidato ay “PLATFORM PLEZ: If you do not have one, don’t waste our time.”

Pero sa totoo lang, sa ngayon, mukhang si Senador Aquino na ang nangunguna sa isipan ng mga tao. Kasama na ang marketing at projection sa mass media, parang kampante na sa pagkapanalo ang Senador. Pero wag siyang paka sigurado. Kagaya rin ng pagkamatay ng kanyang ina, walang makapagsasabi ng iba pang mga mangyayari. Halimbawa, ang Ondoy, paniguradong nakadag-dag sa popularidad ito ni Sec. Teodoro, kung positibo ang naging dating ng mga gawain nya sa tao. Pero siempre, nasa mass media ang kapangyarihan kung sino ang pababanguhin nila sa mga ganitong pangyayari. Sa palagay ko, huling-huli ni Senador Aquino ang mass media.

Pero hindi lang si Senador Aquino ang ating kailangang tanungin. Kahit isa-isahin natin ang iba pang mga kandidato, wala rin tayong nakikitang mga plataporma. Meron din tayong mga tanong sa kanila.

Halimbawa nga ay si Sec. Teodoro, ano ba talaga ang nagawa na niya sa bayan ? Bagamat kagulat-gulat ang kanyang accomplishment sa pag-aaral, dahil nagtapos siya sa Harvard, isa sa mga pinakasikat na eskwelahan sa buong mundo, paano niya maiaalis sa mga tao na magduda sa kanya gayung siya ay kapanalig ni Pangulong Arroyo. Alam natin na malapit na pamangkin din siya ng dating sinasabing isa sa mga arkitekto ng martial law na si Eduardo Cojuangco. Siya ba ay kakampi ng dating kaibigan ng diktadurya? Ano ba ang side niya kung tungkol sa Marcos wealth ang pag-uusapan? Sa totoo lang, mas marami yata tayong tanong na dapat itanong kay Sec. Teodoro.

Kung titingnan natin si Senador Villar, parang mas malaki ang accomplishment ng Senador na ito. Unang-una ay isa siyang successful businessman. Isa siya sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. Nanggaling siya sa hirap at unti-unti’y yumaman, sa sipag at tiyaga daw. Naging Speaker of the House siya at naging Senate President. Ibig sabihin, kung meron mang positibong nangyayari sa bayan natin ay mayroon siyang malaking kinalaman. Sa kabilang banda, kung may negatibong pangyayari, malaki rin ang kanyang papel. Ano ba ang ginawa niya laban sa corruption? Bagamat dapat ay bigyan natin siya ng benefit of the doubt doon sa mga charges sa kanya regarding sa C5 road, ano ba talaga ang naitulong niyang kongkreto sa bayan?

Tingnan din natin si Senador Francis Escudero, siya po ay kilala bilang mukha ng oposisyon. Paborito po yata siya ng mass media, dahil kahit ano ang issue ay parang parati siyang iniinterview. Pero ang nakapagtataka, kahit po siya oposisyon, sumusuporta naman siya sa administrasyon pag dating ng botohan sa senado. Naka-align po ang kanilang partido (NPC) sa administrasyon. Matatandaan din na ang kanyang pamilya ay kaalyado (o sinasabing Crony) ng mga Marcoses. Sumoporta din siya kay Erap, at kay FPJ noong mga nakaraan. Tinira din po niya ang supreme court noong panahon ni Chief Justice Davide, noong panahong mataas ang pagtingin ng tao sa korte. Paano po niya sasagutin lahat ito?

Of course, sa kay dating Pangulong Joseph Estrada naman, alam din natin na siya ay na-convict na sa plunder. Marami po siyang anak sa iba-ibang babae at kilala rin pong dati siyang Marcos Loyalist. Paano po niya sasagutin lahat ng ito?

Para kina Nicanor Perlas, JC Delos Reyes at maging kay Bayani Fernando, paano naman po nila sasagutin na hindi sila makabuo ng team o makagawa ng matibay na plano kung paano mananalo?

Samakatwid po, marami po tayong katanungan na dapat masagot. Marami pong katanungan na dapat masagot ng ating mga liders. Katungkulan po ng mass media na habulin sila at pasagutin sa mga tanong na ito. Hindi po magbabago ang bayan kung ang mga pangyayari ng nakaraan ay hindi man lang natin nareremedyohan.

No comments: