Friday, October 16, 2009

Sentro Interview with Pinoy CNN Hero

Sentro ng Katotohanan yesterday interviewed Mr. Efren Penaflorida, Kuya Ef to his friends and to the kids they have helped through his Kariton Klasrum project.

Learn how Kuya Ef started the project when he was still a 16-year old highschool senior, and how he conceived this project together with his friends who are all bullied in school. Listen to the archived broadcast of Sentro ng Katotohanan from links that can be found at www.leadphil.blogspot.com. (listen or download)

To help Kuya Ef, everyone may also vote for him as CNN hero of the year... http://edition.cnn.com/SPECIALS/cnn.heroes/index.html

Remember, a vote for Kuya Ef is a vote for the project and the kids they are helping...



Meanwhile, the following is yesterday's transcripts of our talking points..

Iba't-ibang Balita, Solusyon at Dakdak

Marami po talaga ang nagaganap sa ating bayan ngayon. Nandyan pa rin ang epekto ng Ondoy at Pepeng. Marami ang namatay at nasisisi nga po ang Dam. Binasa ko po ang disaster preparation ng City of Dagupan City at parang effective ang kanilang operasyon doon. Bagamat nalubog ang malaking bahagi ng siyudad e iilan po yata ang namatay. Malungkot pa rin po ang mga kamatayang iyon kahit iilan lamang, pero panigurado kong dahil sa tamang paghahanda ay nabawasan ang bilang nito.

Hindi ko po nakita ang mga ginawang paghahanda ng ibang lugar. Sana po ay ginawa talaga ng mga local government units doon ang lahat ng dapat gawin sa abot ng kanilang makakaya. Sana po ay mga unavoidable deaths lamang ang nangyari na pwede nating ipasa Diyos, hindi yung pwede namang iwasan.

Pero sa totoo po ay hindi natin alam. Wala po naman kasing nagtatanong sa mass media kung saan-saan nakatira ang mga namatay. Sila ba ay nasa delikadong lugar? Sa tabing ilog? O talagang nasa tamang lugar naman pero tinamaan pa rin ng pagbaha. Hindi na po siguro natin malalaman iyan. Unless na may mga magvolunteer sa atin at makapagdispatch tayo doon ng mga news gatherers at investigators, which is malabong mangyari sa panahong ito.

Iyan po sana ang nais nating gawin, makapagtayo ng isang all volunteer news organization, nang sa gayon ay makuha natin ng buong-buo ang katotohanan.

Kagaya rin nitong tungkol sa paninisi ng ilan sa DAM. Ang nakalulungkot, wala pang imbestigasyon ay ang bilis nang maninisi ng ilan sa atin. Alam natin na ang DAM ay isang controversial na bagay. Habang itinatayo ito, kasama na ang San Roque Dam, marami ang mga tumututol dito sa ibat-ibang dahilan. Tama man o mali ang pagtutol ay hindi na natin din maiintindihan. Hindi natin ito napag-aralan noong panahong itinatayo pa lang ang Dam na iyon. Ni hindi nga natin alam na nagkaroon pala ng issue ang dam na ito, hanggang sa dumating ang pagbaha!

Sa totoo lang po, kailangan ng masusing isipan kung ang DAM ang pag-iisipan. Kung tayo po ang may malaking resources, mag-iinterview po tayo ng mga espesyalista sa DAM. Pag-aaralan po natin ang design ng San Roque at irereview natin ang kanilang mga procedures sa mga ganitong pagkakataon. Baka nga pong isinakripisyo nila ang kapakanan ng bayan dahil nagtitipid sila ng tubig, kasi akala nila ay hindi tataas ito. Que-questionin din natin ang mga naninisisi, paano nila nalaman ang kanilang mga sinasabi. Bakit po ang sinasabi ng Napocor ay kayang magwithstand ng dikes ng hanggang 7,000cu-m/sec samantalang si Prof. Melecio ay nagsasabing hanggang 1,400 lang. Bakit po sinasabi ng Napocor na matagal na silang nagpapawala ng tubig e bakit muntik umabot pa sa critical level ang tubig. Talaga po bang sobra ang lakas na ulan ? O sila po ba ang natutulog sa pansitan. O baka naman po nagmamagaling lang ang ilang local governments o umiiwas sa sisi ? Napakalaki po ang role ng mass media. Halos pumapangalawa po sa gobyerno. Inuulit ko po, pumapangalawa sa gobyerno, pero ang impluensya ay mas mahigit pa sa gobyerno.

Ikinatutuwa ko na mabasa sa dyaryo ang pagkakatayo ng isang public-private sector reconstruction commission na mag-aaral ng tungkol sa sakunang nangyari, ang causes, cost at rehabilitation ng bayan. Pangungunahan daw ito as co-chair nina:
- Businessman Manny Pangilinan
- Cebu ArchBishop Ricardo Cardinal Vidal
- Finance Sec. Margarito Teves

Ito po ay iminungkahi daw ni Gov. Joey Salceda ng Albay (isa ring Economic Adviser ng pangulong Arroyo). Sana po ay magtagumpay ang commission na ito, na paniguradong lalagpas ang buhay sa termino ni pangulong Arroyo.

Alam ko na kasama sa pag-aaralan ng commission ay
Kung paano maiiwasan ang nangyaring sakuna at anong infrastructure ang dapat gawin
Paano aayusin ang mga informal settlers na siyang naging main victim ng trahedya
At paano gigisingin muli a ekonomiya ng Pilipinas na naapektuhan din ng malaki.
Kasama rin ang pagkuha ng dagdag pang grants para sa lahat ng mga proyektong gagawin na ito.

Dito makikita na ang kapakanan ng mga tao ay nasa kamay ng mga namumuno sa ating gobyerno. Kung ilan mang milyon ang makukuha ng charities, dang-daang milyon, ang gobyerno ay may kakayanang magpawala ng ilang bilyong dolyar kasama na ang donation at grants para sa mga ganitong pangyayari. Ika nga ni Gov. Joey Salceda, para lamang naniningil tayo sa mga nasa first world, kasi sila rin naman ang pinaggalingan ng climate change.

Ibig sabihin din nito, wala tayong magagawa kung ang ating mga inihalal ay hindi alam ang kanilang dapat gawin. O pansarili lamang ang iisipin. Kung pagbabasehan nga natin ang budget ng Pilipinas at ang bilang ng mga bumoboto sa halalan, parang mahigit P30,000 bawat botante ang halaga ng isa nating boto. Parang paluwagan iyan eh, P30,000 ang ambag ng bawat isa.. Kanino natin ibibigay ang pera?

Kaya nga naniniwala tayo na dapat ay maglagay tayo ng mga tao sa gobyerno ng mga sadyang karapatdapat, hindi popular lamang, mayaman o malakas. Hindi rin enough ang integrity lamang. Kasi, kung popular pero wala namang alam o kakayanan (na makikita natin sa uri ng kanilang accomplishments), alam natin na baka manakaw lang ng iba ang pera (hindi man siya ang magnakaw). At ang perang iyon, buhay ang katapat. Buhay ng maraming mahihirap. Minsan, buhay din ng mga may kaya sa buhay, kagaya ng ipinalaala ni Ondoy.

Nakita rin natin ang huling lumabas na SWS survey, kung saan nanguna na naman daw si Senador Noynoy Aquino. Kung titingnan natin ang survey, parang mananalo na nga ang senador sa halalan. Ang nakapagtataka sa survey ay kung bakit tatlong kandidato ang itinatanong sa mga respondents e hindi naman tatlo ang ibinoboto natin sa eleksyon. Siguro may specific na purpose itong survey na ito na hindi naman sinabi ng SWS. Ang sabi nila ay wala raw nag commission sa kanila ng survey, kusang palo lang daw nila ito. Nakapagtataka din na ang tanong ay kung sino ang karapat-dapat, hindi kung sino ang iboboto. Obviously, nag-bebenefit dito sina Sen. Aquino, at Senador Villar na mas malaki ang benefit dahil siya ang pumapangalawa sa Survey. Talaga nga kayang walang nag-commission ng survey na ito? Parang nakapagtataka.

Muli, ipinapaalala natin sa ating mga kababayan na ang eleksyon ay hindi parang karera ng kabayo. Hindi yung tataya tayo sa isang kabayo kasi iyon ang mananalo. Kailangang piliin natin sa ating sarili, kasama na ang ating konsiyensya, kung sino ang karapat-dapat. Sabi nga ni Mr. Alex Lacson, is raw itong Solemn Duty na dapat nating gawin.

Itanong natin sa ating sarili, natutuwa ba tayo dahil nangunguna ang manok o kabayo natin? Ipinagmamalaki ba natin na tayo ay tama dahil marami ang sang-ayon sa ating boto? Mali po ang ganitong pananaw. Kapag ganito po, isa rin po tayong biktima ng kung ano ang nakikita natin sa mass media. Kapag ganito po, baka po may lumabas na tunay na magaling na tao, mga tunay na lider, may kakayanan, katalinuhan at katapatan sa bayan pero sila ay hindi natin mapansin. Iyan nga po ang isang hadlang kung bakit tayo nahihirapang kumuha ng mga leaders. Na-didiscourage po ang iba na sumali sa politika, dahil isasakripisyo na nila ang kanilang buhay ay parang sila pa ang nagpupumilit – itinituring pa silang nasisiraan ng bait dahil hindi naman sila mananalo.

Kung ganyan tayo ng ganyan, hindi mananalo ang isang unknown personality kagaya ni Obama isang taon bago siya kumandidato.

Ang nakapagtataka, hindi po masa talaga ang nagpapabagsak sa ating bayan. Kahit po mayayaman at mga nakapag-aral ay siyang nagsasabi ng mga maling paraan ng pagboto. Naaalala ko po noong nakaraang mga eleksyon, may mga bumoto po at nangampanya kay PGMA para wag lang manalo si FPJ. Marami po sa mga kakilala ko na si Roco sana ang iboboto ay lumipat kay PGMA, para maiwasan ang pagkapanalo ni FPJ. Bakit po si PGMA ang ibinoto? Ito raw po ang lesser evil. Bakit po nila inakalang si PGMA ay may kakayananang tumalo kay FPJ, dahil iniisip po nila na si PGMA ay mandadaya.., Parang lumalabas na tulungan na natin ang mandadaya kaysa manalo ang walang alam.

Pero ngayon, galit tayong lahat sa mandaraya. Ngayon, gusto pa nating palabasin na na tayo ay may o nasa mataas na moral ground pero si PGMA nasa ilalim natin. Nasa ilalim din po natin ang masa at mahihirap na hindi nakapag-aral. Para tayo ngayong mga pariseo at escribo sa biblia na tayo lamang ang matatalino at mababait… Sa totoo lang po kailangan po nating tingnan na marami ang ating sarili. Saan nga po ba magmumula ang pagbabago?

Noong nakaraang broadcast natin, nakausap natin si Mayor Marides ng Marikina kung saan pinag-usapan natin at length ang kanyang mga ginagawa ngayon para ma rehabilitate ang kanilang siyudad. Ang hinahanap po natin ay ang mga solusyong pang matagalan. Kaya nga po ang dami nating tanong tungkol sa kung ano ang gagawin nila sa mga informal settlers, ang bagong pangalan po ng squatters. Kailangan na po natin ang pangmatagalang solusyon dito, kagaya rin ng itinulak ni Gov. Salceda ng Albay sa pamamagitan nga po ng Reconstruction Commission na magtatalakay at hahanap din ng solusyon at pondo para dito.

Mga solusyon po ang importante, hindi puro dakdak.

No comments: