Friday, October 9, 2009

Sentro ng Katotohanan October 8, 2009 features Youth Leader Harvey Keh

Harvey Keh, lead convenor of Kaya Natin Movement, founder of Pathways to Higher Education which won a $450,000 grant from the Ford Foundation, founder of AHON foundation which provides books to public elementary school libraries, Director of Youth Leadership at the Ateneo School of Goverment, is yesterday's featured leader at Sentro ng Katotohanan. At just 30 years of age, we can see more accomplishments and learn more from him than many of our elected leaders even twice his age.

Yesterday's broadcast is now archived for listening or download.

Meanwhile, the following is yesterday's talking points about advocacies and uniting them, and the need to connect the candidates' integrity with accomplishments.

Mga movements, integrity at accomplishments


Last year, nakita ko sa youtube ang isang short clip tungkol sa Lead India movement. Ang Lead India po ay isang TV show na parang American Idol. Kung nakapanood kayo ng American Idol, makikita nyo ang mga talents kung saan-saan.. tapos ilang weeks din silang maglalaban-laban at pinagbobotohan ng mga nanonood. Sa huli, iisa lang ang tatanghalin American Idol.

Ganun din sa Lead India, pero imbes na mga singers ang pinagbobotohan, mga leaders ang pinagbobotohan ng mga manonood sa pamamagitan ng texting. Natapos po ang Lead India last year, hindi ko po alam kung ano ang nangyari sa mga nagwagi doon, pero meron na naman pong Lead India 2009. Makikita po ang website nila sa lead.timesofindia.com.

Iyon po basically ang pinanggalingan ng Lead Philippines. Bagamat hindi po tayo naging isang nationwide TV show na may mga contestants, pareho rin po ang ating layunin – ang makakita ng mga leaders sa kung saan-saang bahagi ng ating bayan. Kaya po ang ginagawa natin dito sa Sentro ng Katotohanan ay nag-iinterview tayo ng mga ibat-ibang leaders. Hinahanap po natin ang mga leaders na meron mga talent, may nagagawa at may sinasabi. Iniinterview po natin yung mga hindi gaanong nakakausap sa mass media, dahil hindi naman po lahat ang lahat ng mga leaders sa bansa natin ay kinakausap sa mga major networks. Sa tingin nga po natin, ang kinakausap lang po nila yung may mga pangalan na, gusto lamang po nila ay yung popular.

Sa loob ng 18 broadcast natin, nakausap po natin sina
- Alex Lacson,
- ang ilang mga tao sa Ang Kapatiran Party pinangungunahan ng kanilang Presidente Mr. Manalang, Senatorial candidate Adrian Sison at Sec Gen. Norman Cabrera
- si Mrs. Sonia Roco – na bagamat kilala na ang pangalan ay hindi pinahahalagahan ng mass media,
- gayun din po si Ms Cora Alma de Leon.
- Nakausap natin sina Ms. Gwendolyn Pang ng PNRC na hindi na-cocover gaano ng mass media kahit na sila ay nasa gitna at punong abalang dahil sa bagyong Ondoy.
- Nung last Tuesday, si Bert Guevara na isang leading figure sa Waste Management, pero hindi man lang naipapakilala sa mass media
- Noong nandoon pa tayo sa kabila nakausap natin sina
o Bro Roly Dizon ng Dela Salle System at Philip Tangco ng TETP
o Si Mr. Ricky Xavier ng People’s Primaries
o Maging sina Nic Perlas at JC Delos Reyes
o Kinausap din po natin si MMDA chairman Bayani Fernando dahil ang tingin natin ay hindi lang siya hindi kinakausap ng media, negative publicity pa parati ang lumalabas sa kanya..
o Siempre, nakasama din natin si Rey Quijada ng diduwagangpilipino movement..

Sa totoo lang po, napakarami pa pong ibang mga leaders na hindi natin nakikita. Marami pa po tayong gustong kausapin. Gusto po natin makausap si Fr. Melo Diola ng Dilaab na taga Cebu, si Fr. Javier Alpasa na ngayon ay gumagawa ng isang Social Enterprise sa Palawan, Si Bam Aquino na active din sa mga advocacies, si Mr. Tony Meloto ng GK o Gawad Kalinga, si Harvey Keh ng Kaya Natin at ang mga kasamahan nya sa Kaya Natin. Gusto po rin natin kausapin sina Joey Concepcion ng Go Negosyo. Pag nagre-research ako sa internet, ang dami pa dyan na mga patriots na hindi natin nakikilala.. nababasa ko ang blogs ng Get Real Philippines, ng Pagod ka na Bang maging Pinoy, ang Anti-Pinoy.. napakarami po..

Ang pinagtataka ko lamang, sa dinami-dami po ng mga taong ito at mga advocacies at movements na itinatatag nila, hindi po talaga sila napapansin ng mass media. Sa iba po yata tayo talaga lahat nakatingin, doon po yata tayo nakatingin sa mga artista.

Sa kabilang banda naman, nagtataka rin ako kung bakit ang mga taong ito ay hindi nagsasama-sama upang pagtulungtulungang iahon ang ating bayan. Napakadami po ng movements na may miyembro na tig-kakaunti. Lahat po sila ay makabayan, pero Iba-iba po ang kanilang balaking gawin. Ang iba man po ay nagtatagumpay pero ang karamihan po ay nabibigo o hindi nag-ca-catch fire kumbaga.

Napagmasdan ko po sa America, nung kandidato pa lamang si Barack Obama, marami po ang mga movements na maliliit na tumulong sa kanya. Iba-iba po ang mga movements na iyon at may iba-ibang intensyon, pero lahat sila ay tumulong kay Barack Obama. Hindi ko po alam kung naging tama ang kanilang mga pinag-samang desisyon o mali. Malalaman pa po natin ito sa 2012 pagkatapos ng kanyang termino at malamang na muling pagtakbo for reelection. Ang mahalaga lamang na tingnan natin ay nag-unite ang mga movements dahil may isa silang nakitang near-term solution sa kung anumang problema na bumabagabag sa kanilang bansa.

Noon pong 1986, ganun din po ang pangyayari sa Pilipinas. Marami pong iba-ibang movements na nagsama-sama para isulong ang kandidatura ni Pangulong Cory Aquino. Sa huli ay sila po ang nanguna sa People Power kung saan nga po napatalsik ang Pangulong Ferndinand Marcos.

Sa makatwid, marahil ay hindi po masama na may hiwa-hiwalay na advocacies. Alam po natin na mag-sasama-sama rin po ang mga advocacies na ito pagdating ng isang common denominator – isang pangyayari o tao na papanigan ng lahat.

Kamakailan, lumalabas sa mga sinasabi ng ilan na ang common denominator daw na ito ay si walang iba kundi si Senador Benigno Noynoy Aquino III. Siya raw ang taong mabubuklod-buklod sa lahat ng mga advocacies, sa ibat-ibang mga leaders na siya rin namang susundan ng mga taumbayan. Siya na nga kaya ang taong ating hinihintay?

Kung ako po ang tatanungin, hindi po ako gaanong impressed kay Senador Aquino. Sa totoo lamang po, wala pa tayong nakikitang solid na kanyang masasabing accomplishment. Maaaring hindi lamang po natin alam pero dapat po ay ating pag-aralan. Tinitingnan ko po ang ilang mga batas na kanyang isinulong sa kongreso at senado pero ni ang mga wordings at thoughts ng mga batas pong iyon ay hindi kahanga-hanga.

Sinasabi po ng iba na ang senador daw ay may integrity, wala raw pong masasabing masama ukol dito. Pero sa atin pong pananaw, hindi po tama na kung ang isang tao ay may integrity, ay dapat na siyang maging pangulo. Kasi kung totoo po iyon, siya lamang po ba ang may integrity? Hindi po bat marami ibang tao na mayroon din integrity? Siguro po ay sinasabi nila na wala ng ibang tao na may integrity at may popularidad at kakayanang manalo. Kung ganito po ang iniisip natin, para po tayong sumusuko na sa mga pangyayari. Ang natitirang logic lang po natin ay basta may integrity po at popular, iboto na natin.. Wala na tayong makikita pang iba? Ganun po ba kaya dapat?

Kung ang isang senador po ay walang accomplishment, iyon po ba ay masasabing may integrity? Sapat na po bang sabihin mo na ikaw ay may integrity at may integrity ka na nga? Lahat naman po siguro ng tao, kahit iyong mga magnanakaw at graft and corruptors ay magsasabing sila man ay may integrity, hindi po ba?

Kung ako po ay mabait, pero hindi po ako nakatulong sa kapwa, tunay nga po kayang ako ay mabait? Kung ako po ay may malaking kapangyarihan, pero ako po ay nanood lamang ng TV o nakikitsismis lamang o nakipaghuntahan lang at hindi ko ginamit ang aking kapangyarihan upang iahon ang aking mga kababayan sa hirap, ako po ba ay may integrity? Hindi ko po sinasabing definitively o sa may pagtitiyak na wala ngang accomplishment si Noynoy. Ang sinasabi lang ko po ay dapat natin itong pag-aralan at hindi padagos-dagos na pag-desisyonan.

Sa pagboto po natin sa 2010, kailangan po ay kilatisin natin ang mga bagay-bagay na nagawa na at ginagawa pa ng mga kandidato. May magagandang resulta po ba ang mga pinag-gagagawa nila noong mga nakaraan? Yan po ang dapat nating itanong. Paano po ba nila ginawa ang kanilang accomplishments? Ang paraan po ba nila ay paraan ng taong may takot sa diyos at may integrity? Pinagbale-wala po ba nila noong nakaraan ang kanilang sarili para sa ikabubuti ng nakararami, o ang mga ginagawa po ba nila ay para lamang maging popular at para lamang mapansin ng mga taong bayan?

Inuulit ko po, ang integrity nang walang accomplishment ay hindi tunay na integrity. Eto ang hamon natin kay Senador Aquino: Patunayan niya ang kanyang integrity sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang mga matitibay na accomplishments.

Sa kabilang banda naman, gusto ko rin pong sabihin na ang accomplishment na walang integrity ay hindi accomplishment. Kung ako po ay yumaman dahil po sa kasamaan, kunwari e nagbebenta ako ng shabu, o hindi ako nagbabayad ng tax, o dinadaya o niloloko ko ang aking customer, masasabi ba nating accomplishment iyon? Kung ikaw ay naging first honor dahil nagkodigo ka sa mga exams, dahil nagbayad ka sa teacher, accomplishment ba iyon?

Sana po ay matandaan natin sa pagtingin natin sa mga kandidato.. tingnan po natin ang kanilang accomplishements, at tingnan po natin ang kanilang integrity sa kung paano nila ginawa ang kanilang mga accomplishments. Kung iyan po ang makita natin sa isang tao, naniniwala pa rin po ako na magsasama-sama ang lahat upang ito ay isulong at ipapanalo sa 2010.


Listen to Sentro ng Katotohanan, Tuesdays and Thursdays, 8.30-9.30PM, DWBL 1242KHz.

No comments: