The archived broadcast can now be accessed for listening or download.
Meanwhile, the following is the transcript of our yesterday's broadcast talking points:
Moving On
Mahirap po talaga ang mamatayan, gaya ng nangyari sa marami nating mga kababayan. Ang sinasabi sa balita, mahigit 250 ang namamatay sa pagbahang dulot ng bagyong si Ondoy. Ang 9 na bilyong piso na raw pong sinasabing halaga ng nasira sa bayan dahil sa bagyo ay hindi po tatapat sa kamatayang idinulot ng bagyo. Kung alam lang po sana natin, sana ay ginastos na lang natin yung 9 na bilyon na iyon sa mga infrastructure para maiwasan ang nasabing sakuna at nailigtas natin ang mga nasabing biktima.
Ano po ba talaga ang dapat natin gawin ngayon? Ito po ba ang panahon ng mga press release? Ito po ba ang panahon para tayo ay maging showbiz as usual? Hindi po kaya sobra na ang pagpapanood natin sa mga youtube ng mga baha? Hindi po kaya dapat ay tumulong na lang ang tutulong ng matahimik? Hindi po kaya sobra na ang drama natin sa mga pagbahang ito, samantalang nakakalimutan natin ang mga dapat natin gawin? Ika nga po ng iba, hindi po kaya dapat na tayong mag-move-on?
Hindi ko po sinasabing kalimutan na natin ang mga pangyayari. Alang-alang po sa mga biktima, at doon sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay, dapat po ay tandaan natin ito as vividly as possible kung maari. Pero hindi po ibig sabihin niyan ay habambuhay tayong iiyak. Mas maganda po siguro, bilang pag-move-on ay magkaroon tayo ng matino, malumanay at seryosong usapan upang matalakay ang mga tunay na problema ng bayan?
Sa pagbahang ito, ano po ba ang natutunan natin?
1. Kailangan ay handa tayo sa mga sakuna.
a. Ang office of civil defense po ay dapat parating nagbibigay kaalaman sa mga tao kung ano ang gagawin sa panahon na may sakuna.
b. Dapat ay handa na ang mga evacuation centers at papuntahin na ang mga namemeligrong tao doon, kahit parating pa lang ang bagyo.
c. Dapat po ay naka-ready na ang rescue teams kung may bagyo man o lindol, bawat barangay, bawat bayan ay may kahandaan
d. Dapat po ay magbigay ang mass media ng sapat na kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa bayan, lalo na tungkol sa pag-baha at bagyo
2. Kailangang pagtuunan ng pansin ang urban planning
a. Pag-usapan ng deretsahan ang mga urban planning requirements ng bayan natin, gaya ng sinasabi ni Arch. Felino Falafox Jr., i-review ang findings ng mga previous studies at ipatupad ang mga recommendations nito
b. Sa mga senador, sana po ay magpasa ng batas na may sistema tungkol sa urban planning na ito, hindi lamang sa metro manila kundi pati sa mga ibang lugar. Tungkulin din po ng mga mayors na itulak ito alang-alang sa kanilang mga kababayan
c. Alisin na agad ang mga bahay sa tabing ilog, bigyan ng lunas ang problema sa illegal settlers, ibigay ito sa mga taong may successful experience sa ganitong pagsasaayos, hindi sa mga gustong mag-showbiz lamang
i. hindi po dapat basta basta magpapamigay ng lupa, kailangan po ng kaakibat na infrastructure (trabaho, karsada, tubig, pamilihan, etc.)
ii. baka pagkakitaan lang ng mga politiko at mga developers
3. Kailangan po nating pangalagaan ang kapaligiran
a. Kailangang mag-set ng national goals sa reforestation ng ating mga kagubatan
b. Mayroon tayong log ban sa primary natural forests, kailangang ilagay sa usapan ang total logging ban, ano na ba ang kalagayan natin, mapapatupad ba ito? Ano ba ang mga paraan para masustain natin ang kapaligiran samantalang nakakakuha tayo ng kahoy na gagamitin natin sa ating bahay?
c. Kailangang ayusin natin ang pagtatapon ng basura, Kailangan ay mapunta sa sentro ng usapan ang mga kaparaanan ng solid waste management sa bawat barangay at bawat bayan.. kailangang ipatupad ang segragation at recycling
i. kailangang maipakita ang ginagawa sa mga model na lugar, kagaya doon sa Marikina kung saan ang compost sa basura ay nagagamit sa pagpapaganda ng kanila mga parks
ii. at sa SunValley sa Paranaque, kung saan nagpapatupad ng isang magandang solid waste management process na hindi lang nakakaayos ng kapaligiran kundi nakakadulot pa ng dagdag na kita para sa barangay.
4. Sa darating na eleksyon, dapat natin ihalal ang tunay na may malasakit sa bayan, at yung may kakayanan iahon tayo sa ibat-ibang paraan.
a. Hindi na po ito ang popularity contest, may namamatay po sa bayan, hindi popularity ang kailangan
b. Mainam nga pong pumili ng may integrity, pero ang integrity na walang kakayanan ay hindi integrity. Ito po ay panloloko lamang. Ang tunay na may integrity ay magpapakita ng kanyang kakayanan, ni bago man lang sabihing siya ay sasali sa pamunuan.
c. Kailangan po natin ang kaalaman na makikita natin sa past performance. Hindi sa magagandang pananalita lamang ng mga script at speech writers o kaya ay ng mga think tank na wala naman balak magpatupad ng mga magagandang programa. Panloloko lamang kung ang isang tao ay nagsasabi ng platitudes, generalities.. tapos na pong pag-usapan ang problema, kailangan na po ang solusyon. Kailangan po ang bukas na usapan, hindi gapangan at pagalingan sa mass media.
Dito sa Sentro ng Katotohanan, patuloy po tayong naghahanap ng mga solusyong ginagawa ng ibat-ibang tao sa ibat-ibang lugar. Kung kayo po ay may nalalalamang solusyon o mga taong pinag-mumulan nito, ipag-bigay lamang po sa amin at amin hahanapin sila. Gusto po nating makausap ang mga taong mayroong nagagawa at may balak pang gawin. Malay niyo baka sila ang hinihintay nating mga pinuno para sa kinabukasan ng ating bayan.
No comments:
Post a Comment