Wednesday, September 30, 2009

Sentro ng Katotohanan, Sept. 29, 2009

Sentro ng Katotohanan yesterday interviewed Philippine National Red Cross (PNRC) Secretary General Gwendolyn Pang. We tackled the activities that the PNRC are undertaking to provide relief and rehabilitation to those affected by flooding that came with Typhoon Ondoy.

We also interviewed PAG-ASA forecaster Rene Paciente about the arriving typhoon (Pepeng) and its chance of hitting the country. We also discussed how they make their typhoon and flood forecasts so that we can understand the warnings provided by PAG-ASA.

The following is a transcript of the Sentro ng Usapan at Sentro ng Katotohanan broadcast of September 29, 2009. The archived broadcast is now also available for listening or download.

SI ONDOY AT ANG MASS MEDIA

HINDI PO LINGID SA KAALAMAN NG LAHAT ANG MGA PANGYAYARI SA ATING KAPALIGIRAN. ANG PINAKAMALAKING BAHA NA NASAKSIHAN NATIN SIGURO SA ATING LIFETIME AY NANGYARI NOONG SABADO HANGGANG LINGGO. YUNG MGA NAPAPANOOD LANG NATIN SA TV NA NANGYAYARI SA CHINA AT SA BANGLADESH AY NANGYARI NGAYON SA ATIN. AYON SA HULING ULAT, MAHIGIT 240 PERSONS NA ANG NABIBILANG NA MGA CASUALTIES. TALAGANG MALAKING TRAHEDYA ITO PARA SA BAYAN NATIN.

KAMAKAILAN LANG ANG TEMA NG USAPAN NATIN AY YUNG TUNGKOL SA ELEKSYON. PINAKAMAINIT NA NGA PO AY ANG TUNGKOL KINA SENATOR BENIGNO AQUINO III AT SENATOR MAR ROXAS. PINAG-UUSAPAN DIN PO NATIN ANG GIBO AT PUNO TANDEM AT IBA PANG MGA DEVELOPMENTS SA POLITIKA.

PERO NGAYONG MAYROON NANG MGA NAMAMATAY, MAKIKITA NATIN NA ANG POLITIKA AY ISANG MALIIT LANG NA BAGAY SA ATING BUHAY. PINAKAMAHALAGA PA RIN ANG ATING KALAGAYAN AT NG ATING MGA MAHAL SA BUHAY, ANG KANILANG KAPAKANAN AT SAFETY.

SA DINAMI-DAMI NG MGA NAMATAY, ANG KARAMIHAN AY YUNG MGA WALANG KALABAN-LABAN. SIEMPRE YUNG MGA MAHIHIRAP ANG KARAMIHAN NG NAMATAYAN AT NASALANTA NG BAHA… YUNG MGA NAKATIRA SA TABI NG ILOG AT CREEKS.

PARA SA SENTRO NG KATOTOHANAN, TUNAY NA KRIMINAL ANG MGA POLITIKONG HINAYAANG TUMIRA ANG MGA MAHIHIRAP NATING KABABAYAN DYAN SA LUGAR NA IYAN. DAHIL SA HINDI NILA GINAWA ANG KANILANG TRABAHO, NAMATAY ANG MARAMI AT NALAGAY SA PELIGRO ANG IBA.

TUNAY NA KRIMINAL DIN ANG MGA POLITIKONG NAGPAPABAYA SA ATING KAPALIGIRAN. KRIMINAL YUNG MGA MAYOR NA HINDI NAGSASAAYOS NG PAGTATAPON NG BASURA AT YUNG NAGPAPABAYA SA PAGPUPUTOL NG PUNO SA ATING KAGUBATAN.

SINABI NATIN NOONG NAKARAAN, KAPAG ANG ISANG MUNISIPYO O DEPARTAMENTO AY WALANG SISTEMA, PANIGURADONG CORRUPT ANG MAYOR O PINUNO DOON. IDAGDAG NATIN NGAYON, KAPAG MARAMING SQUATTER SA ISANG BAYAN, LALO NA DOON SA CREEK AT TABING ILOG, SIGURADO GANUN DIN KA-CORRUPT AT WALANG KONSIYENSYA ANG MAYOR DOON. KALOKOHAN ANG SINASABI NG IBANG POLITIKO NA SILA AY NAAAWA SA MGA SQUATTERS KAYA AYAW NILANG PAALISIN ANG MGA ITO. KUNG IKAW BA NAMAN AY NAAAWA SA ANAK MO EH HAHAYAAN MO SILA SA ISANG DELIKADONG LUGAR? ANG KATOTOHANAN, GINAGAMIT LAMANG NG MGA POLITIKO ANG MGA MAHIHIRAP PARA SA KANILANG ELEKSYON.

SA NAGDAANG SAKUNA, KITANG-KITA RIN NATIN ANG ATIN MISMONG KAKULANGAN SA PAGHAHANDA SA ANUMANG TRAHEDYA.

KITANG-KITA NATIN :

  • WALANG APPOINTED NA MGA LUGAR KUNG SAAN PUPUNTA ANG MGA NASALANTA.
  • HINDI NATIN LAHAT ALAM KUNG SAAN ANG COMMAND CENTER AT REGIONAL CENTERS KUNG NASAAN NAGMUMULA ANG RESCUE EFFORTS.
  • HINDI NATIN ALAM KUNG SINO ANG TATAWAGAN KAPAG TAYO AY NASA TRAHEDYA..
  • WALANG METHOD OF REPORTING KUNG MAY PAPALAPIT NA PELIGRO.

ALAM NYO, HINDI KO BASTA MASISISI ANG GOBYERNO, KASI PO AY LAHAT TAYO AY GANITO. PARE-PAREHO TAYONG HINDI NAGHAHANDA. ITO NA PO YATA ANG KULTURANG PILIPINO NA DAPAT PALITAN.

MGA TWO DAYS BAGO ANG BAGYO, NAGPALABAS NA NG WEATHER BULLETIN ANG PAG-ASA TUNGKOL DITO. SA KASAMAANG PALAD, HINDI GAANONG PINANSIN ITO NG KARAMIHAN SA ATIN SA MASS MEDIA. ABALANG-ABALA ANG MARAMI SA MGA PRESS RELEASE NG MGA POLITIKO. ABALANG-ABALA RIN SILA SA MGA SHOWBIZ NEWS.

MISMO NOONG SABADO NG UMAGA, KAHIT YUNG MGA MALALAKING NETWORKS AY HINDI NAGBABALITA TUNGKOL SA BAGYO AT SA MGA SAKUNANG NANGYAYARI. TANGHALI NA NG MAG-UMPISA ANG MGA BALITA. SA BAYAN NATIN KASI, NAKAKAAWANG WALANG NEWS KAPAG WALANG PASOK. NI HINDI NILA KAILANGANG INTERVIEWHIN ANG MGA TAGA PAG-ASA. NAKAPOST SA WEBSITE NG PAG-ASA ANG MGA WEATHER AT FLOOD FORECAST.

HABANG NANGYAYARI NAMAN ANG DELUBYO, HINDI NA NAMAN ALAM NG MASS MEDIA ANG KATUNGKULAN NITO. IMBIS BIGYAN NG PAG-ASA ANG MGA NASASALANTA, NANGUNGUNA NA ANG MEDIA SA PANINISI SA GOBYERNO. KINIKWESTYON NILA ANG BAGAL NG RESCUE EFFORTS GAYUNG ALAM DIN NAMAN NILA AT NAIINTINDIHAN NA SADYANG SOBRA SA DAMI ANG KAILANGAN ILIGTAS AT KULANG SA KAGAMITAN AT TAO ANG MGA MANLILIGTAS.

IMBIS NA TUMULONG SA RESCUE, SA PAMAMAGITAN NG PAGSABI SA BAYAN KUNG NASAAN ANG RELIEF EFFORTS, KUNG SAAN ANG SAFE NA LUGAR, KUNG SAAN PWEDENG MAGPUNTA KUNG NAIS TUMULONG SA RESCUE, KUNG ANO ANG MGA KAILANGANG KAGAMITAN PARA SA RESCUE, TINITIRA PA NILA ANG BAGAL NG GOBYERNO. TILA MO BA PARA RIN SILANG MGA ORDINARYONG TAO NA WALA RING MAGAGAWA.

NUNG SA HULI, IMBIS NA TUMULONG SA GOBYERNO AT SA PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS SA RELIEF OPERATIONS, NAKIKIPAGKUMPITENSYA PA SILA SA MGA ITO. SILA PA ANG NANGUNGUNANG HUMINGI NG DONASYON AT VOLUNTEERS, SILANG MGA HINDI PWEDENG I-AUDIT NG BAYAN. SIEMPRE SA MGA RELIEF GOODS NILA AY NAKALAGAY ANG PANGALAN NG KANILANG STATION. NAKALAGAY DIN ANG MGA PANGALAN NG SPONSORS NA KUNG ANO-ANO ANG ITINULONG. PATI BA NAMAN SA SAKUNA AY NAIISIP PA NATIN ANG MGA ADVERTISEMENTS? HINDI BA PWEDENG TULUNGAN NA LANG NG LAHAT ANG PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS NA GAWIN NITO ANG TRABAHO NITO?

ANG MASAKIT, GINAGAMIT PA NG MGA MASS MEDIA ANG MGA NASALANTA. KAHAPON SA BUONG NEWS SA TV AY HALOS PURO HUMAN DRAMA ANG BALITA. PARANG TELESERYE ANG PALABAS, PURO IYAKAN. SIGURO BIBIGYAN NILA NG KARAMPOT NA TULONG ANG MGA MAHIHIRAP NA ITO, HABANG NAGKAKAMAL SILA NG SALAPI MULA SA KANILANG SPONSORS SA KANILANG BROADCAST.

MARAMING PAGKUKULANG ANG ATING GOBYERNO. MARAMI ANG CORRUPT NA NAGPAPATAKBO SA BAYAN KAYA TAYO AY GANITO. PERO HINDI MAARING ISISI LAMANG NG MASS MEDIA ITO SA GOBYERNO, MAGING TAYO SA MASS MEDIA AY MAY KASALANAN AT PAGKUKULANG DIN.

No comments: