To talk more about this, Sentro ng Katotohanan yesterday had a lively discussion with Atty. Vic Velasquez, known as Mr. Jury, and who has a radio program at DZRJ-AM 810KHz every tuesday 8-9AM. Yesterday's broadcast archive is now available for listening here:
Sentro on the Jury Justice System with Atty Vic Velasquez (Mr. Jury)
Meanwhile, the following is yesterday's talking points dwelling on Senator Escudero's resignation from the Nationalist People's Coalition.
ChizWiz Doctrine
Alam nyo ba kung ano ang pinakahuling Chizmis? Actually hindi tsismis. Totoo, confirmed ito at nasa lahat ng dyaryo ngayong umaga. Kahapon, si Senador Francis Escudero ay nag-resign sa partidong kanyang kinaaaniban, ang Nationalist People’s Coalition party na identified kay Eduardo Danding Cojuangco.
Doon sa kanyang speech kahapon sa Club Filipino kung saan inaasahan ng lahat na mag-aanounce si Senador Escudero ng candidacy for President, naunsiyami ang lahat ng iba ang kanyang in-announce.. yung nga ang pagbibitiw nya sa NPC. Marami ang nagulat, hindi raw ito inaasahan. Sa mga usapan sa barberya, may mga nagkokomentaryo na siguro daw ay
- hindi nakuha ni Senador Escudero ang suportang pera ni Danding Cojuangco, kaya umalis siya dito.
- O baka naman daw ayaw ng Senador makatambal si Senador Loren Legarda.
- Mayroon din nagsasabing baka daw na-pressure syang wag nang tumakbo dahil mababa na ang kanyang rating sa surveys
- O baka gusto raw talaga nitong mag Vice president, yun nga lang eh naunahan ito ni Senador Legarda makuha ang suporta ng NPC sa positiong ito kaya’t nawalan siya ng paglalagyansa partido.
Siempre, iba ang opisyal na dahilan nya. Ang sinabi ni Senador Escudero ay hindi raw dapat may partido ang sinomang tatakbo sa pagkapangulo. Sa kanya mismong salita, sabi niya :
“Sino man po ang nagpapaplanong tumakbo bilang pangulo, dapat wala pong partidong kinabibilangan –NPC, LP , NP, Lakas o ano pa man.”
Umpisa pa nga lang po ng speech ng Senador e parang mali na ang sinasabi. Ang tatakbong pangulo daw po ay dapat walang partido. Saan po kaya napulot ng Senador ang idea na ito? Bigla po kaya siyang nagising kahapon sa ganitong idea? Bakit parang ngayon lang niya naisip ito? Ito po ba ay bagong niyang idea na gusto niyang ipamahagi sa kanyang mga kababayan? O baka po nakukulangan na ng pag-iisip ang senador.
Marahil po, sinabi lang po niya ito para majustify ang kanyang action. Ewan ko lang pero baka iniisip niya eh, medyo bobo naman tayong mga Pilipino at tatanggapin na lang natin ang ganitong explanation basta-basta.
Marami pa po siyang sinabi sa speech pero puro palabok lamang. Paulit-ulit lang at puro drama… Sa bandang huli, sinabi po niya: “Hiling ko po ay panahon para ako ay magpasya”, referring sa kanyang desisyon kung tatakbo sa pagkapangulo o kung ano man ang tatakbuhan. Ibig sabihin po, hindi pa siya desidido kung tatakbo nga sa 2010. So kung sang-ayon sa kanya: ang tatakbo sa pagkapangulo ay dapat daw walang partido kaya siya nagresign, pero hindi pa siya desidido kung tatakbo siya, makikita po natin na hindi konektado ang first part ng kanyang speech sa last part ng parehong speech. Nakakagulat po ang ganitong klaseng speech sa isang taong graduate ng mataas na paaralan ng UP at ng Georgetown University. It is either talagang mababa ang pagtingin niya sa mga Pinoy, o kaya ay gumawa lang siya ng milagro sa eskwelahan kaya siya pumasa. Nasa mga tagapakinig na po natin ang pagpapasya.
Pero ano po kaya talaga ang dahilan kung bakit umalis sa NPC si Senador Escudero.
- Kung talagang dahilan ay dahil sa dapat walang partido, halatang pambobola lang iyan – para lang may madahilan.
- Kung talaga naman po na kaya siya umalis e dahil kasi sa hindi siya susuportahan ng NPC at ni Danding Cojuangco sa kanyang kandidatura, mukhang hindi rin. Kasi dati nga ang NPC nagpapanalo sa kanya.. bigla ba niya itong iiwanan? I am sure hindi naman siya walang utang na loob sa mga tumulong sa kaniya noong nakaraang panahon. Kung siya ay walang utang na loob e alam kong alam din niya na wala na siyang kinabukasan sa politika.
- So ano kaya ang tunay na dahilan?
Kanina, nung kumakain ako sa karinderya ni Mang Tasyo dun sa amin.. narinig ko ang kwentuhan nila doon. Sabi ni Mang Tasyo e hindi raw siya naniniwala ni isa man sa salitang sinabi ni Senador Francis Escudero. Malamang daw e ito mismo ang inutos sa kanya ng mga amo nito sa NPC. Malamang daw, palabas lamang ang kanyang pagbibitiw sa NPC. Sa panahon daw ngayon, lumalabas daw na mukhang walang panalo si Senador Escudero sa pampangulong eleksyon. Sa ngayon din daw, dalawang presidentiable ang naghahanap ng Vice Presidentiable nila. Mukha raw mag-aalign either sa Nationalista o sa Administrasyon ang NPC, na dati na naman daw na naka-align na ang mga partidong ito. Subalit hindi pwedeng basta ibagsak nila si Senador Escudero at para kasing na force-to-good na siya bilang Presidentiable as far as NPC is concerned. Para palabasin na hindi ito ang totoong dahilan, kunwari’y itinutulak pa siya ng anak ni Danding bilang Presidentiable bago ito mag-resign. So lumalabas, naging willing sacrifice si Senador Escudero para makapag-save face siya, and at the same time, para rin maka-move forward na ang NPC. Kung bakit siya naging willing sacrifice, ayon kay Mang Tasyo, ay kanya-kanya na raw na hula iyan…
Pero ang importante daw sa tuwing tatakbo si Senador Francis Escudero sa anumang position, e parati daw nating ipapaalala sa kanya ang speech niyang ito. Pangalanan daw natin itong Chiz Escudero Doctrine, na nagsasabing: Kung ikaw ay tatakbo, dapat walang partido.
Oo nga ano? Ang galing talaga ni Mang Tasyo. Sa totoo lang hindi natin alam ang katotohanan. Pero ang totoo, malamang sa hindi na lahat sila ay hindi nagsasabi ng totoo.
Pero iisa lang ang alam ko, kapag ako ay nagugutom, babalik uli ako sa karinderya ni Mang Tasyo. Masarap na siyang magluto, may libre pang political analysis.
www.leadphil.blogspot.com