Ayon sa Survey..
Isa po sa mainit na pinag-uusapan sa twing may eleksyon na darating ay ang mga Presidential surveys. Sa ngayon po, dalawang survey firms and pinapakinggan ng mga tao, ang SWS (o Social Weather Station) at ang Pulse Asia surveys.
Ang pinakahuling survey na nabasa ko ay yung nilabas ng SWS noong January 11, 2009 kung saan lumalabas na lumiliit na ang lamang ni Senator Noynoy kay Senator Villar. Ang tanong ng marami siguro ay kung makakahabol kaya si Senator Villar kay Noynoy?
Palagay ko, hindi po ito ang tamang katanungan. Dapat po siguro, alamin muna natin kung ano ang papel ng surveys sa darating na eleksyon.
Para sa akin po, para sa mga botante, walang naman dapat saysay ang mga surveys. Ang mga surveys po ay ginagawa para sa mga kandidato, hindi para sa botante. Para po sa mga kandidato, malalaman nila kung ano ang dapat nilang gawin upang manalo sa eleksyon base sa surveys. Sa botante po kaya, para saan ang surveys?
Halimbawa sa survey, lumalabas na nangunguna ang isang kandidato, dapat po ba iyon na ang iboto ng lahat? Mali po iyon hindi po ba? Halimbawa, mababa naman sa survey ang isang tao, dapat po ba huwag na siyang iboto dahil masasayang lang ang boto mo? Parang ang babaw naman po yata ano?
Noong dati po, sa survey, bago sila maglaban, mas malaki pong lumalabas ang tsansa na manalo si Oscar Dela Hoya kay Manny Pacquiao ayon sa betting odds sa Las Vegas na pumapabor kay dela Hoya. Dapat po ba noon, kumampi na tayo lahat kay Dela Hoya at iwanan na natin ang ating pambato? Sigurado ko ang sagot ng lahat ay hindi. Pero kung pupusta kayo ng pera kung sino ang mananalo, siguro magdadalawang isip kayo hindi po ba? Siguro, pupusta na lang kayo kay Dela Hoya.
Siguro, kung ako ang pupusta sa sino ang mananalo kung ang eleksyon ay gagawin ngayon, malamang pumusta ako na si Senator Noynoy Aquino ang mananalo. Pero ang eleksyon po ay hindi pustahan. Ang tanong po sa atin sa eleksyon ay kung sino ang kandidato ang pinaka malamang na magpapa-unlad sa bayan natin, sino ang kandidato na makapagsasa-ayos ng ating lipunan? Sino sa mga kandidato ang mag-aahon sa mga mahihirap at makakapagbibigay trabaho sa lahat?
Sa kasamaang palad, ang mga surveys po ay ikinakalat ng mga kandidato para sa kanya-kanyang maproprobecho. Ginagamit po nila itong pambuyo at pang akit para sila ang iboto. Gumagawa po sila ng trending, gusto po nilang sabihing may clamor para sa kanila o kaya’y lumalakas ang kanilang posisyon sa survey para makadagdag ng botante. In short, binobola po tayong lahat sa pamamagitan ng surveys.
Panigurado, alam naman ng SWS at Pulse Asia ang ginagawang ito ng mga kandidato. Alam nila na ginagamit ng kandidato ang kanilang surveys, at nagpapagamit naman sila. Ewan ko at masyado po yata akong nangangarap, pero kung nagpagamit sila sa mga kandidato, ang palagay ko ay tungkulin naman nila na ipaliwanag sa tao kung ano ang papel ng surveys sa ating eleksyon. Sa palagay ko po ito ay kanilang tungkulin hindi lamang bilang Pilipino kundi bilang tao.
Kung hindi po nila gagawin iyan, wala po akong respeto sa kanila, dahil kabilang sila sa mga grupo ng mga maimpluwensyang tao na sadyang sumisira sa bayan. Ito ang Sentro ng Katotothanan.
www.leadphil.blogspot.com
No comments:
Post a Comment