Thursday, January 7, 2010

The Importance of Mass Media

The following is to be read as talking points commentary at Sentro ng Katotohanan, tonight.

Ang Halaga ng Mass Media sa Pilipinas

Noon pong isang buwan, napanood ko po sa internet ang isang interview ng blogwatch kay Senator Manny Villar. Ang interview po ng blogwatch na iyon ay pinangunahan ni Ms. Noemi Dado, si mom-blogger na nainterview na natin dito sa Sentro ng Katotohanan.

Doon po sa interview na iyon, may nabanggit po si Senator Villar na ang may pinaka-malaking impluensya daw po sa mga Pinoy ay ang broadcast media, kasama na ang radio at TV. Ibig sabihin, kung may mga nakikita tayong mga mali sa gawain ng Pinoy na hindi mabago-bago, iisa lamang ang pwede nating masisi.

Noon pong bagong taon, bagamat parating nagpapaalala ang mga taga DOH na huwag nang magpaputok, marami pa rin po ang nasugatan sa paputok at maging sa ligaw na bala. Ibig sabihin po nito, mababa po ang impluensya ng DOH o ng gobyerno sa taong bayan. Kung ang mass media siguro ang nanguna sa pag-wawarning sa mga tao na huwag nang magpaputok, na hindi naman ginawa ng mass media, mas epektibo po siguro sana.

Kung pagmamasdan po natin ang mga kabataan, sino po ang karaniwang ina-idolize nila at ginagaya? Hindi po ba ang mga artista at singers na nakikita nila sa TV? Meron na po ba tayong narinig na mga kabataan na naging idol nila ang kanilang principal o teacher, o ang kanilang pari? Kung meron man po, siguro ay kakaunti lamang.

Kaya ko po sinasabi ito, sa palagay ko po kasi, sunod sa pamilya, pinakamalaki ang impluensya ng mass media sa mga kabataan. Mas malaki po ang impluensya ng mass media sa kanila kaysa sa iskwelahan, simbahan o gobyerno man. So, kung mayroon pong dapat ituro sa taong bayan, sa mass media po lamang ang pinaka-effective na daan.

Kaya po siguro ang mga grupong El-shaddai, Jesus is Lord at ang simbahang Iglesia ni Kristo ay maraming mga broadcasts sa Radio at TV.

Kitang-kita rin po ang pagpapahalaga ng mga politicians dito. Sina Sen. Aquino, Sen. Villar, Dick Gordon at Gibo Teodoro ay tuloy-tuloy ang paglalagay ng mga advertisements sa Radio at TV. Hindi naman po siguro sila gagastos ng milyon-milyong piso kung hindi importante ang radio at TV.

Kung ganito po kahalaga ang broadcast media, bakit po parang pinagbabale-walang bahala ito ng marami? Makinig po kayo ng radio kahit anong oras, kung ano-ano po ang pinag-uusapan. Ang isa sa mga pinakasikat na DJ sa FM, si Mo Twister, ang madalas pong pinag-uusapan sa kanilang programa ay kung sino ang pinakahottest na babe sa TV. Kung mayroon mang importanteng bagay na pinag-uusapan sa kanyang program, yung po ay bihirang-bihira lamang.

Makinig o manood po kayo ng balita, mabababaw lamang po ang mga ito. Puro po drama ng buhay ang paulit-ulit na pinapakita. Wala rin pong kino-cover sa gobyerno kundi tungkol sa corruption lamang – karamihan pa nga po ay mga press release lamang ng mga magkakalabang faction. Nagugulat pa nga tayo, maimplement na pala ang AFTA o ang ASEAN Free Trade Zone, nagugulantang na lamang ang mga maliliit na nating businessmen. At kalahati po siguro ng news sa TV ay puro tsimis tungkol sa mga artista – tila niyo ba ito ang pinaka-importante sa bayan.

Ni ang sports po at culture ay hindi nabibigyan ng espasyo sa mass media. Wala po tayong alam sa culture kundi StarStruck at PinoyBigBrother. Wala po tayong kilala kundi si Manny Pacquiao. Nagdaan po ang Sea Games late last year, napansin po ba ninyo?

Kulang na kulang po ang leader sa ating bayan, mi hindi nga makabuo ang mga partido ng kanilang senatoriables.

Ito po ang dahilan kung bakit itinatag ko ang Lead Philippines – para tumulong maghanap ng mga leader ng bayan. Kaso po, kung aasahan lamang natin ang radio at TV na ipakita sa atin ang mga leaders sa hinaharap, e mukhang wala po tayong maaasahan. At gayundin, kung hihintayin natin sila na ipaalam sa atin kung ano ang importante sa hindi, e mukhang mabibigo tayo. Kaya naman po ang Lead Philippines ay nag-proproduce ng programang katulad nitong ginagawa natin. Sana po ay tulungan at tangkilikin ninyo kami.

Ito ang Sentro ng Katotohanan.


Sentro ng Katotohanan, TTh, 830-930PM, DWBL 1242KHz

2 comments:

Loyd Danseco said...

Wow, my thoughts exactly. Well, di na siguro natin masisi ang mass media sa pagiging ganyan dahil ito ay business at kelangan nila ng maraming costumer. Kaya kung anu-anong gimik na lamang ang kanilang ginagamit upang mauto ang kanilang mga "masang" manunood. Nakakalungkot isipin na ganun na lang kababaw ang tingin ng mga higanteng broadcasting companies sa katalinuhan ng tao. Na pag mas makabuluhan ang ipakita sa mga show eh hindi maiintindihan ng tao at hindi sila panonoorin. Tama ka puro antics na lang sa gobyerno, mga dramatics sa mga kalamidad na para bang isang "disaster movie" ang pagkakapresent ng mga title. Nakakatawa rin na ang mga fini-feature sa mga world news ay yung mga balita tungkol sa mga nakawalang biik o mga nagsapakang mga foreigner na nakunan sa cctv. Hay, isa pang kinaiinisan ko ay yung "boto mo ipatrol mo ako ang simula" ginagamit pa ang nasyonalismo para bumenta. Mababaw lang din naman ang mga pananaw sa mga isyu at puro gimik nga lang.

Titigil na ako madami na ito.

Buti na nga lang at may alternatibo.

Arnel B. Endrinal said...

Hi Loyd, nice to see your comments.. keep them coming.

Madalas nakakainis talaga nakikita sa mass media. That is why we are trying to come up with an alternative.

BTW, we have just uploaded yesterday's broadcast..

http://www.snkonline.info/sentro010710.mp3