Meron bang bago sa bagong taon?
Noong New year, nanonood ako sa CNN ng mga balita tungkol sa mga celebrations ng New Year sa buong mundo..
Napanood ko ang ganda raw ng mga fireworks display sa New York kung saan may isang milyong kataong nanood daw doon sa Times Square nang tinatawag nilang ball drop na naghuhudyat ng pagbabago ng taon.
Sa New Zealand, nagparty daw ng husto sa Auckland sa gitna ng mga paputukan sa Sky Towers doon. Sa Australia daw sa Sydney harbor bridge, nagsayawan daw ang mga tao habang nagaganap ang 12-minute na firework display.. Sa Seoul Korea, meron daw malaking bell na pinatugtog sa gitna ng mga tao.. May multi color light show naman daw sa Eifel tower sa France, Sa Taiwan, pinakita yung pinakamataas na building doon yung Taipei 101 na punong-puno ng paputok. Sa London, hinintay daw ng mga tao ang pagstrike ng Big Ben doon at tuwang-tuwa sila sa fireworks display sa London Eye, yung malaki nilang ferris wheel doon.. Ang galing, ang gaganda ng fireworks..
Pagkatapos doon, inilipat ko naman ang TV ko sa local Channel. Sa atin daw, marami ang sugatan, daan daan ang nasugatan ng picolo at kwitis. Mahigit 25 daw ang natamaan ng ligaw na bala. At may mga batang naputulan ng daliri..
Sa palagay niyo mga tagapakinig, sa ganitong sitwasyon, may nabago po ba o may mababago sa ating bayan?
Sa ngayon, ang bilang po ng nasusugatan sa atin sa paputok ay mahigit nang 800. Marami po ay natamaan ng bala. Marami po ay mga lasing at mga bata. Marami rin po ang namatay. Para pong may nangyaring sakuna. Para pong may lumubog na barko o may Ondoy na nagdaan.
May problema po tayo sa warlords.. May problema po tayo sa baha.. may problema tayo sa corruption at may problema po tayo sa kahirapan.. Pero kung ang simpleng celebrasyon ng new year ay hindi po natin maiayos, may-ma-sosolve po kaya tayong problema?
Kanina po nagkakagulo ang mass media tungkol sa mga balita sa arraignment ni Andal Ampatuan Jr. Nagagalit po ang mga tao tungkol sa VIP treatment daw kay Ampatuan. Kinukutsa po ng mga tao ang 6-man commission na binuo ng gobyerno para idismantle ang private armies.
Pero mga tagapakinig ko, concerned po ba tayo talaga? Bakit hindi tayo nagagalit sa ating gobyerno, sa kawalan nila ng aksyon sa paputok, at sa ating mga kababayan sa kanilang katigasan ng ulo?
Sige po, happy new year na rin po. Sana po, may makita tayong something new, sa new year na ito.
Ito ang Sentro ng Katotohanan.
Listen to Sentro ng Katotohanan, 8.30-9.30PM, TTh, DWBL 1242KHz
2 comments:
Reklamo nang reklamo sa kahirapan ng buhay ngunit handang gumastos ng libu-libo para makapagpaputok tuwing bagong taon. Tayong mga Pilipino, parang paputok, maingay at nagiiwan ng kalat.
Happy new year din sa sentro.
Salamat Loyd, Happy New Year muli!
Post a Comment