On Presidential Forums
Kahapon po nanood ako sa ANC o sa ABS-CBN News Channel ng isa sa tinatawag nilang series of Presidential Forums. Nandoon po at dumating sa forum na yon ng live ang pitong kandidato na sina:
Councilor JC Delos Reyes
Sen. Dick Gordon
Former Sec. Gibo Teodoro
Sen. Noynoy Aquino
Former President Erap Estrada
Environmentalist Nick Perlas
TeleEvangelist Eddie Villanueva
Kataka-takang wala po si Sen. Manny Villar doon. Sabi ni Ted Failon, na siyang host ng event, ay nag-confirm pa raw ang kampo ni Sen. Villar as late as 1pm of the same day. Pero bigla raw nagpasabi na hindi makakarating dahil may “Business Meeting”, sabi ni Ted Failon. Parang kataka-taka naman ito? Mas-importante kaya yung Business Meeting na iyon kaysa sa pag-attend sa ganitong klaseng forum? Hindi po natin talaga malalaman iyan hangga't hindi natin naririnig ang panig ng Senador, pero hanggat hindi siya nagsasalita tungkol dito e yan ang ia-asumme natin sa kanya. Palagay ko, maraming botante ang magdududa sa kanya ngayon kung bakit hindi siya nakarating..
Anyway, alam po ninyo, ako ay excited na manood sa mga ganitong forums, dahil inaasahan ko po na sa pamamagitan nito ay malalaman ko ang mga saloobin, platforms at ang karakter ng mga kandidato natin sa 2010. Panigurado ko, marami rin sa inyo ang excited na panoorin ito.
Pero matapos po ang forum, e na-unsyami po ang inyong lingkod. Kung napakinggan po ninyo ang aming usapan dito noong huling broadcast namin, panigurado ko na alam niyo na kung bakit. Sa palagay ko po, wala tayo gaanong natutunan sa forum.
Unang-una, dalawang oras lamang po ang forum e may mga advertisements pa, at may oras pa sa pagtatanong, at mga introductions.., Pito po yung kandidato, ibig sabihin walang tig-kikinse minutos mapagbibigyang oras magsalita ang bawat isa. Sa experience po natin dito sa radio sa pag-interview natin sa ilang presidentiables, kulang po ang isang oras bawat kandidato para lamang makilala natin sila. Hindi pa po natin pinag-uusapan ang platorma de gobyerno nung lagay na iyon.
Ang mas malungkot po nito, sa konting oras na iyon, sa palagay ko po ay hindi tama ang karamihan sa mga tanong na na-itinanong.. Karamihan po ng mga tanong ay nagsosolicit lamang ng mga motherhood statements. Sa ganitong pagtatanong, lumalabas po, ang makikita lang po natin doon sa forum ay kung sino sa mga kandidato ang mahusay magbigay ng extemporaneous speech.
Ang tinutukoy ko pong mga tanong ay ang mga ito:
1. Give one instance you cheated or lied when you are a public figure? - natural, wala pong magsasabi na sila ay nandaya o nagsinungaling..
2. What will be the role of your first lady, would you appoint anyone from your family? - ito po ay parang isang trick question lamang
3. Give one vice or luxury you cannot live without? – siempre mag-iisip lang ang kandidato ng safe na answer.. kahit pambobola ay ok na
4. What are you most ashamed of and what are you most proud of? - parang pang slum-book po itong mga tanong na ito..
5. What do you want the people to remember about you? - siempre po ang sagot ng kandidato ay yung kanilang mga slogan..
Gayunpaman, meron din pong ilang magandang tanong kagaya nitong mga ito:
1. Immediately after learning of the Maguindanao massacre, anong tatlong utos ang inyong ilalabas? – maganda po ito dahil malalaman natin kung sasang-ayon o kokontra ang kandidato sa ginawa ni Pangulong Arroyo
2. What will you do in the first 100 days? - maganda po ito dahil makikita ang priorities at kung nakatayo sa katotohanan ang mga pinagsasabi ng mga kandidato..
3. Should the government spearhead population control? Dito po malalaman natin sana ang specific stand ng mga kandidato.
Ang kaso po, sa tatlong tanong na ito, hindi po sinagot ng tuwiran ng mga kandidato. Nagbigay lamang po sila ng mga motherhood statements tungkol sa Maguindanao, imbes na sabihin kung ano ang dapat immediately na ginawa.. Sa ikalawang tanong, Ibinigay lamang po ng karamihan ang kanilang mga sinasabing plataporma almost without regard doon sa 100 day period, except marahil si Gibo Teodoro. Doon po sa population control, karamihan po sila ay naging pro-choice sa contraceptive, medyo magulo po ang sagot ng iba at pumapagitna lamang sa issue, pwera lamang po siguro kay JC Delos Reyes na tahasang nagsabi na hindi dapat..
Generally, kung ganito po ang mga Presidentail forum sa atin, e parang wala po tayong kahihinatnan. Ewan ko po, baka ako lang ang nakakapansin pero parang uninformed pa rin po tayong mga Pinoy. Samantala, tumatabo po sa advertisements and mga TV channels sa ganitong forum.
Dito po sa Sentro ng Katotohanan, layunin din po nating makilala ang ating mga national candidates. Hindi po natin pinagkakakitaan ito, bagkus ay pinagkakagastusan pa nga natin. Iniimbita po natin ang lahat nang Presidentiables na mag-painterview sa atin ng live. Iinterviewhin natin sila at magbibigay tayo ng mga tunay na tanong, hindi po pang-slumbook o pang beauty contest lamang. Tatanungin po natin sila, kung magtataas sila ng tax pag nanalo. Kung ano talaga ang tunay at malinaw nilang stand sa mga issues. At kung paano nila tutustusan ang mga gastusing magmumula sa kanilang mga pangako..
Tingan po ninyo, kung tinatanggap po ng mga kandidato ang imbitasyon halimbawa ng ABS-CBN at ng GMA7, na kumikita sa mga forums na ito, sa palagay ko obligado sila na tanggapin din ang ating imbitasyon. Unfair po iyon kung hindi sila papayag, discrimination po iyon na matatawag, hindi po ba?
Na-interview na po natin si Mr. Delos Reyes at si Mr. Nick Perlas. Nainterview din po natin si Bayani Fernando (yun nga lang ay nagslide down na siya for VP). Alam naman siguro natin kasi na sina Delos Reyes at Perlas ay walang itinatago at hindi subservient sa mga malalaking channels, kayat madali silang kuhanan ng interview. Pero dahil po dyan, kung sakaling hindi tayo pakinggan ng mga sikat na kandidato, e wala po tayong magandang masasabi tungkol sa kanila. Alam na po natin agad, na hindi sila patas, namimili lamang sila ng kakausapin, at ang pakikipag-usap nila sa mga maliliit na mamayan, ay siguradong pakitang tao lamang.
Ito ang Sentro ng Katotohanan.
www.leadphil.blogspot.com
No comments:
Post a Comment