Congresswoman Arroyo
Simula noong isang linggo hanggang ngayong martes ay nag-file na ng kani-kanilang COCs ang mga kilalang Presidentiables at Vice Presidentiables. Sinasabing nakapagfile na sina
1. Senador Manny Villar at Senador Loren Legarda,
2. Sen. Noynoy Aquino at Senador Mar Roxas,
3. Dating Pangulong Erap Estrada at Mayor Jejomar Binay
4. Former Defense Sec Gibo Teodoro at TV Host/Actor Edu Manzano
5. Councilor JC delos Reyes at Atty. Jun Chipeco ng Ang Kapatiran
6. Tele-Evangelist Eddie Villanueva at former SEC Chairman Jun Yasay
7. Environmentalist Nick Perlas
8. Sen. Jamby Madrigal
9. At ang pinaka bagong team-up na ngayon lang lumabas, si Sen. Dick Gordon at MMDA Chairman Bayani Fernando
Palagay ko, exciting po talaga ang halalang 2010..
Pero, ang pinakamalaking headline sa lahat ng filing na ito, bagamat hindi po sa pagka-Pangulo, ay ang pag-file ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng kanyang COC sa pagka Congressman ng 2nd district of Pampanga. Simula pa po noong July, nagpahiwatig na po ang Pangulo na maari siyang tumakbo bilang congressman. Simula rin po noon, binilang na po ng mass media kung ilang beses nagpunta ang Pangulo sa kanyang distrito, at binilang na rin po ang kanyang mga projects na pinapasinayaan doon.. At simula rin po noon, ay katakot-takot na batikos na ang lumalabas sa mass media tungkol sa pagtakbong ito..
Ang tanong, OK lang po ba na tumakbo ang Pangulo sa mas mababang pwesto ng congressman? Masama po ba ito?
Kung papakinggan po natin ang mga pumupuna kay Ginang Arroyo, e parang napakasama po talaga nito. Sa mga balitang nakuha ko sa Inquirer.net, sabi raw po ni Bishop Oscar Cruz ng Dagupan na addict daw po sa kapangyarihan si Mrs. Arroyo.
Eto raw po ang sabi ni Bishop Cruz: “There appears to be no reasonable cause for such a constitutional prohibition as really there is no person in his or her sound mind who will do such a funny and demeaning political circus,” Cruz said. Cruz denounced Ms Arroyo’s “addiction to power.”
Sabi naman daw po ni Sen. Mar Roxas: “Her ultimate goal is to become House Speaker and ram through her burning desire to change the Constitution,” Roxas said. “Since she cannot hope to beat Noynoy, her next best option is to render his victory useless and lead the change in the form of government,” he added.
Sabi po ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino:“She is drunk with power and can’t get enough. I think she needs professional help,”
Sabi po ni Mayor Jejomar Binay: “The real agenda is to ... shift to a parliamentary form of government and snatch power from whoever is elected president in 2010 by becoming prime minister and head of government,”
Hindi po napapansin ng marami pero nakakapagtaka po kung paano nasasabi ng mga ibang politiko ang masamang motibo ng iba pang politiko. Sila po ba ay manghuhula o Psychiatrist? Kung tingin po nila ay masama ang motibo ng iba, hindi po kaya masama din ang motibo nila? Kung ako po ay salesman, kunwari ng Coke, hindi po ba masama namang siraan ko ang Pepsi hindi sa pamamagitan ng mga data kundi sa gut feel lang?
Kung titingnan po natin ang comment ni Sen. Roxas, parang sinasabi po niya na kailangang matakot tayo kay Arroyo dahil po sa baka maging Speaker siya ng Kongreso. Ano po kaya ang ibig sabihin nila, hindi makakaya ng sususod na Pangulo na kontrolin ang Kongreso? Hindi po ba ang bawat congressman ay may tig-isa-isang boto? Bakit po parang takot na takot sila kay Arroyo o sadyang tinatakot lang tayo.
Doon po sa tanong na gusto lang daw kublihan ng Pangulo ang kanyang likod mula sa mga demanda, kagaya ng sinasabi ng marami gaya ni Sen. Jinggoy Estrada, bakit po hindi nila sinasabi kung ano ang ibig sabihin noon? Sa Pilipinas po, walang pong immunity sa demanda ang mga naging Pangulo at maging ang mga congressmen. Saan po kaya nila nakuha ang ideyang iyon? Hindi po ba ang pagpapalakas ng sistema ng hustisya beyond 2010 ay tungkulin ng susunod na Presidente? Ano kaya ang ibig nilang sabihin, hindi po kaya kaya ng susunod na Presidente na isaayos ang justice system sa Pilipinas at mai-prosecute si Congressman Arroyo kung kinakailangan?
Si Bishop Cruz naman ay parang kinondena na niya ang pangulo bilang pagtukoy dito bilang addict o gahaman sa kapangyarihan. Siguro po hindi na kailangang mangumpisal ni Ginang Arroyo kay Bishop, kasi alam na nito ang kasalanan niya. Ganun po ba iyon?
Kung ako po ang tatanungin, kung talagang gustong makatulong ni Pangulong Arroyo sa kanyang kababayan, hindi na po niya kailangang tumakbo sa kahit anong posisyon. Dati na po siyang Presidente. Pangalan pa lang po niya at isang salita lang ay may malaki nang maitutulong. Ganyan din po ang sinasabi ko kay dating Pangulong Estrada at maging kay Manny Pacquiao. Para sa akin, wag na po sana silang tumakbo.
Pero sakaling tuloy-tuloy na nga ang pagtakbo ni Pangulong Arroyo, at kung ito man ay mananalo, at least, medyo lumiit na po ang problema natin. Nagtatalo pa nga tayo dati kung bababa ba talaga ang Pagnulong Arroyo sa pwesto o hindi. Well, kung dati po ang problema natin ay isang President Arroyo , at least sa 2010, ang problema lang po natin ay isang Congressman Arroyo.
Ito ang Sentro ng Katotohanan.
Listen to Sentro ng Katotohanan, 8.30-9.30PM, TTh, DWBL 1242KHz.
www.leadphil.blogspot.com
No comments:
Post a Comment