Tuesday, December 22, 2009

Fiesta Culture

The following is the talking points to be read at Sentro ng Katotohanan broadcast tonight.

Fiesta Culture

Tuwing sasapit ang September 1, 2009, meron pong isang bagay na nagaganap sa Pilipinas. Sa sinasabing unang araw ng unang “ber” month ng taon, nag-uumpisa na po ang pagpapatugtog sa radyo ng mga Christmas Carols. Alam po nating lahat, ang pasko ang pinakahihintay at kinasasabikang holiday sa Pilipinas.

Pagkatapos po ng undas o All Saint’s Day, nag-uumpisa na rin po ang pagsapit ng pasko sa mga malls. Maririnig na rin po ang mga Christmas Carols sa background kapag tayo ay namamasyal doon, at mapapansin na natin ang Christmas décor. Sa mga karsada, makikita na rin po natin ang mga Christmas décor na nakasabit sa poste. Marami na rin po ang mga tarpaulin ng Merry Christmas mula sa mga politiko, lalo na’t eleksyon year next year.

Pagsapit po ng Disyembre, lahat na po halos ng mga tindahan at opisina ay may mga Christmas Décor din. Sunod-sunod na rin po ang mga Christmas parties. Nagkakatraffic na rin po sa Greenhills, sa Baclaran at Divisoria, dahil sa mga pamilihan ng Christmas gifts.

Kung makikinig po tayo ng mga news, araw-araw na pong ibinabalita ang mga presyo ng manok at baboy na sadyang tataas daw pagsapit ng kapaskuhan. Tinitingnan din po ang presyo ng ubas, mansanas, orange at kastanyas, maging ng hamon, na sadya raw mga pagkaing pang-noche buena sa Christmas Eve.

Mga isang linggo pa bago magpasko, panay na panay na po ang mga balita tungkol sa mga biyahe ng bus at barko patungong probinsya. Nagdadagsaan na raw ang mga tao doon.

Marami rin po sa mga iba pang balita, mayroon ding kinalaman sa pasko. Kahapon, napakinggan ko, si Andal Ampatuan Jr. daw ay magpapasko sa selda. Hindi ko po alam kung ano significance noon. Ni hindi ko nga po alam kung may significance ang pasko kay Andal Ampatuan Jr. Samantala, ang mga evacuees daw sa Albay, ay magpapasko sa evacuation centers. Tila nyo ba mas malungkot ang pangyayari dahil magpapasko. Kung hindi po kaya pasko, OK lang?

May mga sinasabi rin ang kapulisan, na kapag magpapasko daw ay dumadami ang mga pulubi. Dumadami din ang kaso ng snatching at hold-up. Parang nag-oovertime ang mga masasamang loob dahil gusto nilang i-celebrate ang Christmas ng matiwasay. Nakakatawa naman yata yon.

Kung nag-oovertime po ang mga holdupper, marami naman po sa mga opisina ang nag-uundertime. Marami po ang gumagamit ng oras ng opisina para magpractice ng kanilang presentation sa Christmas program. Marami po ang mga late at maagang umuwi, kasi natratraffic at baka matraffic. Wala na pong nag-uumpisa ng mga projects dahil pasko na, next year na lang. Ang mga customers po nanghihingi na ng pamasko sa mga suppliers. Ang mga gwardya at mga
delivery boys
, nanghihingi rin po ng pamasko. Kanya-kanya na pong mga raket.

Bago magpasko, marami po ang nangungutang, para may pambili ng pang-noche buena at panghanda sa pasko. Gaya rin po kapag piyesta at binyag, marami ang nag-iinuman, OK lang malubog sa utang para lamang makapag-celebrate ng Pasko.

Para sa akin, importante po ang Pasko. Ito po ang araw ng pagsilang ni Kristong ating Diyos. Para naman po sa mga hindi Kristiyano, ang pasko ay may significance pa rin. Ito po ang araw kung kailan inaalala ang pagkapanganak ng isang taong may pilosopiyang naka-impluwensya sa malaking bahagi ng mundo.

Pero wag naman po sana tayong maging OA. Wag naman po sana nating gawin dahilan ang pasko para manghingi o magnakaw sa iba. Wag naman po nating gawing dahilan ang pasko para pagbigyan ang luho ng ating katawan. Wag naman po nating gawing dahilan ang pasko para wag magtrabaho at i-celebrate ang ating katamaran. Tandaan po natin, sa sobrang hirap, marami pong mga Pilipino ang hindi nakararanas ng pasko. Nandoon po sila at hirap na hirap, sa ilalim ng mga tulay, sa mga tulay na madadaanan natin papuntang Greenhills.

Ito ang Sentro ng Katotohanan.


www.leadphil.blogspot.com

No comments: