Tuesday, December 15, 2009

The following is Sentro ng Katotohanan's talking points, to be read at the broadcast tonight.
Pagkatapos ng Martial Law

Sa mga nakaraang araw, tumambad po sa ating lahat ang balitang na-lift na raw po ang martial law sa Maguindanao. Bigla-bigla, nawalan na po ng saysay ang mga pinag-uusapan ng mga tao, maging ng mga congressmen at senador ukol dito. Paano pa po pagtatalunan ang constitutionality nito kung ito ay tinanggal na?

Marami ang nagsasabi na kaya daw tinanggal ito ng Pangulong Arroyo ay dahil hindi na makayanan ng Pangulo ang mga batikos dito. Teka, teka, akala ko ba makapal ang mukha ng Pangulo? Naging sensitive ba siya bigla ngayon? Palagay ko mali po iyong hula na iyon.

Kung ako po ay huhula, kaya po siguro tinanggal ng pangulo ang martial law ay isa sa maraming bagay. Doon sa mga kakampi ng Pangulo, masasabi po nila siguro na maaaring nakatamtan na nila ang gusto nilang mangyari sa Maguindanao at hindi na kailangan ang martial law. Doon naman po sa galit sa Pangulo, maaaring sabihin nila na na-test na nya ang waters ng martial law at nalaman na niya ang mga consequences nito at mga pag-sunod-sundo na reactiong maaasahan dito. Yung iba naman po, maari ring isipin na siguro ay nalaman niya na mag-lalabas ng ruling ang supreme court laban sa constitutionality nito.. o baka naman nakita nya na matatalo siya sa kongreso kapag nagbotohan. O baka naman sinabihan mismo siya ng kanyang mga kaalyado sa kongreso na wag ng ituloy ang martial law dahil mahihirapan silang idepensa ito pag dating ng eleksyon.

Pero lahat po ng ito ay hula lamang. Bawat isang tao siguro may isang hula. Pero kung ang usapan natin ay puro sa panghuhula lamang, siguro po ay hindi tayo matatapos. Habang ang mahihirap ay mahirap pa rin at ang mga politikong corrupt ay corrupt pa rin, e usap pa rin tayo ng usap ng mga hulang walang patutunguhan.

Eto po ang kahilingan ko sana.. sana po ay tama na ang mga batikos na wala namang patutunguhan. Magbatikos lamang po sana tayo kung may pruweba at basehan. Kung mayroon pong ginagawang labag sa batas ang Pangulo, ihabla po sana sa husgado. Kung hindi naman po labag sa batas pero masama, e dapat po ay gumawa ng mas mahusay at makabuluhang batas.

Tapos na po ang martial law, pero nakita natin ang kakulangan ng ating batas ukol dito. Maganda po siguro ay gumawa ng mga batas na magco-control dito. Siguro po dapat namang gumawa na ng rules ang kongreso kung paano, kailan at saan dapat agad-agad na sila mag-convene kapag may itinaas na martial law ang Pangulo. Dapat din po sigurong idefine ng kongreso kung ano ang ibig sabihin ng rebelyon sa konsepto ng martial law, at maging ng invasion, na siyang dalawang consitutional na basehan kung kailan pwedeng ideklara ang martial law.

Kulang din po ang ating mga batas tungkol sa pag-control ng private armies. Bakit po hanggang ngayon na nasa modern times na tayo ay mga mga warlord pa rin na matatawag sa bansa natin? Bakit po may mga batas na nagpapahintulot sa mga local officials na gumawa ng armed groups at gamitin ito sa sariling kapakanan? Kailangan po siguro ito ang pag-aralan natin. At specific sa Maguindanao, ang mga Ampatuan lamang ba ang masasabing warlords doon? Ang mga Mangudadatu po ba ay walang mga private armies? Kumusta po ang ibang probinsya sa ARMM, wala po bang mga private armies ang mga governors at mayors doon? Pag-aralan din po sana ang sitwasyon ng mga private armies sa northern at central luzon? Alam niyo, ang nakakalungkot e parating ang naririnig lamang natin na solusyon e palitan ang gobyerno at alisin si Mrs. Arroyo. Kung ganito lamang po ang solusyon nila, palagay ko e malala pa sila sa taong gusto nilang palitan.

Kung hindi po pag-aaralan at gagawin ng mga mambabatas ang mga tamang batas, wala pong mararating ang lahat ng mga senate at congressional hearing na nagaganap at naganap sa bayan. Para sa akin po, wag na sanang mag-speech ng mag-speech tungkol lamang sa pamumulitika ang mga taga kongreso at senado, magtrabaho na lang po sana silang lahat.

Ito ang Sentro ng Katotohanan.

www.leadphil.blogspot.com

No comments: