Tuesday, December 8, 2009

Martial Law

The following is tonight's commentary at Sentro ng Katotohanan, posted here in advance..

Martial Law sa Maguindanao


Alam na po natin lahat ito.. noong nakaraang biernes ng gabi ay idineklara ng Pangulong Arroyo ang Martial Law sa Maguindanao.

Sa pagkakadeklarang iyon, marami po ang nagtatanong kung kailangan ba talaga ang martial-law doon? Nasa custody na ng pulis at militar ang mga pinaghihinalaan sa pamilya ng Ampatuan, bakit kailangan pang ideklara ang martial law? Mas mahina raw ang kaso kung rebelyon lang ang ikakaso, mas mainam daw kung murder. So, wala raw saysay ang martial law, baka nga makasama pa raw.

Marami rin ang nagsasabi na hindi yata naaayon sa batas ang Martial Law na ito. Sang-ayon kasi sa konstitusyon, dalawang pangyayari lang ang pwedeng pagdeklarahan ng martial law: Kung may invasion o kung may rebelyon na nagaganap. E wala naman daw invasion o rebelyon doon.

Noong mangyari ang massacre sa Maguindanao, lahat tayo ay natulala. Alam natin, kailangang kumilos ang gobyerno agad-agad, pero hindi natin alam kung paano. Bagamat ang mga kritiko ng gobyerno ay pilit na nagsasabing malambot ang Pangulo sa kanyang kaibigang Ampatuan, wala naman silang sinasabi kung ano ang dapat gawin. Nagtanong pa nga ako sa mga Presidentiables sa pamamagitan ng kanilang kampanya kung ano ang dapat gawin doon, iisa lang ang nagbalik ng sagot sa akin. Naghanap din ako sa kanilang mga press releases kung ano ang kanilang kasagutan. Wala rin.

Tatlong araw makatapos ang massacre, akong walang kaalam-alam sa mundo ng gobyerno sa Maguindanao ay nangahas na humiling ng resulta. Hiningi po natin ang gun ban sa Maguindanao. Hiningi po nating isuspinde ang mga Ampatuan doon. Hiningi po nating kanselahin ang autoridad ng mga CVO doon. Hiniling po natin na ilipat ang mga nakataktadang military personnel at kapulisan doon at palitan ng iba. Hindi ko po hiniling ang Martial Law, pero alam ko pong dapat ay mag-take-over doon ang national government.

Ngayon, lahat po ng hiniling ko ay natupad. Hindi ko nga po hiningi ang pagpapakulong sa mga Ampatuan pero alam kong dapat imbestigahan ang pamilyang iyon at ikulong kung makikitang sila ay may pananagutan. Isipin po natin ng mabuti, kung ang gobyerno po natin ay nagpunta sa Maguindanao “with all guns ablazing” ika nga upang hulihin ang mga Ampatuan, anong laban kaya ang ginawa ng mga Ampatuan at ilan po kayang tao pa ang mga namatay? Magkaroon kaya ng stand-off? At sa mga ganung pangyayari, sino po sa palagay niyo ang unang masisisi?

Ngayon po, tungkol naman sa Martial Law, tingnan po natin ang mga argumento.

Hindi na raw kailangan ang Martial Law dahil nasa custody na ang mga Ampatuan. Pero hindi naman mga Ampatuan lang ang nasa gitna ng massacre hindi po ba? Maaring nahuli na po ang ulo pero ang mga katawan, ilan pa pong mga armed CVO ang nasa lugar?

Sa tanong naman na wala namang rebelyon, bakit hindi pag-usapan kung ano ang definition ng rebelyon? Ayon sa ating revised Penal Code:

Art. 134. Rebellion or insurrection; How committed. — The crime of rebellion or insurrection is committed by rising publicly and taking arms against the Government for the purpose of removing from the allegiance to said Government or its laws, the territory of the Philippine Islands or any part thereof, of any body of land, naval or other armed forces, depriving the Chief Executive or the Legislature, wholly or partially, of any of their powers or prerogatives.

Hindi ko po alam kung ito ang pinakahuling version ng ating Penal Code pero makikita po natin na pwedeng i-argue ng gobyerno ang salitang “taking arms” against the government for the purpose of removing from allegiance to said government or its laws… depriving the chief Executive of any of her powers or prerogatives... Na siyang sigurado nating nangyari doon.

Ang nakapagtataka po sa media natin, obvious po na itong definition ng rebellion ang siyang magiging argumento, pero hindi po pinag-uusapan iyon, Parati pa rin pong pinapaulit-ulit ang mga opinyon ng kung sino-sinong politiko pero ayaw nilang gumawa ng sarili nilang opinyon.

Sa sinasabing baka makawala pa ang mga Ampatuan sa kasong rebelyon, sinasabi naman po ng gobyerno na hindi naman pinapasawalang bahala at tuloy pa rin ang kasong murder. Hindi naman po na-eexplain sa atin kung bakit hihina ang kasong murder kung kinasuhan din sila ng rebelyon.

Sana po sa mass media, yun po ang mga argumentong pag-usapan, hindi mga chismisan lamang na walang mararating. Ang gustong-gusto po nilang pag-usapan ay ang masamang motibo di umano ng pangulo, mga bagay na kailanman ay hindi mapapapatunayan. Mga kuwentuhang walang naaabot kundi ang pagkamuhi sa pangulo.

Bukod tangi rin na hindi tinatanong ngayon ang mga taga mass media kung sila mismo ay sang-ayon sa martial law, bigla bang hindi na sila concerned? Hindi man lang sila tinatanong kung sa tingin nila ay ginagawa ng gobyerno ang mga dapat gawin para mapanagot sa hustisya ang may pakana ng massacre.

At ang isa pa pong katanungan na hindi napapag-usapan, kailan po ba talaga kailangang mag-convene ang kongreso kapag nagdeklara ng martial law ang pangulo? May nagsasabing 24 hours daw matapos ang pagdeklara ayon sa constitution, meron din nagsasabing depende sa rules ng kongreso, kayat kailangang gawin muna ang rules.

Ano po ba naman itong mga ito. Marami po tuloy sa labas ng Pilipinas na ang ating gobyerno daw ay joke, ang ating mass media ay joke, ang buong sambayanang pilipino ay isang malaking joke. Nauuto po lamang yata tayo. Pare-pareho tayong nanggagalaiti sa mga pangyayari pero lumalabas, pare-pareho po naman nating hindi napag-uusapan at hindi natin tuloy alam kung ano ang talagang tama.

Ito ang Sentro ng Katotohanan.


www.leadphil.blogspot.com

No comments: