Thursday, March 18, 2010

Supreme Court under Attack?

The following is a commentary to be read tonight at Sentro ng Katotohanan:

SUPREME COURT UNDER ATTACK

Kahapon po, naglabas ang Supreme Court ng desisyong nagsasabing pwede raw mag-appoint ng Chief Justice and Pangulong Arroyo, at hindi raw nag-aapply ang election ban on appointments sa pagkakataong ito.

Malinaw na malinaw po ang desisyon ng korte. Pwede raw pong mag-appoint ang pangulo. Ang hindi po malinaw ay ang reaksyon ng maraming tao tungkol dito.

Kanina, sa radyo, nakikinig ako ng mga opinyon. Si Ted Failon ng DZMM parang kinukutya ang desisyon ng korte suprema. Ganun din si Arnold Clavio ng DZBB. Si Ted Failon, nagbasa ng mga text messages sa kanilang programa. Halos lahat ng mga text messages nila na natanggap ay kumukutya sa desisyon ng Supreme Court. Ako ay nagulat sa mga komentaryo dahil ang dating sa akin e para yatang naging mga eksperto sa batas ang mga tao. Hindi sila naniniwala sa Korte Suprema, siguro tingin nila mas matatalino sila kaysa sa mga Justices doon.

Pero ang mga tao ay gumagaya lang naman po kasi sa mga ibang tao na matatalino.

Kagaya for example ng dating CONCON delegate at dating Comelec Chairman Christian Monsod na nagsabi sa GMA ng ganito:

“I was disappointed”, ‘This looks like a Marcos court, and now it’s an Arroyo court.’ They seem to be especially accommodating the wishes of the president. [Its] reputation and image has suffered a great deal," Monsod, one of the framers of the 1987 Constitution, told radio dzBB.

Ang pagkakaalam po natin, si Christian Monsod po ay supporter ni Sen. Noynoy Aquino.

Ang kandidato po sa pagka Vice President ng Liberal Party na si Sen. Mar Roxas ay nagsabi naman po ng ganito sa isang statement:

“It scares many of our people that even on a very crucial issue of constitutionality and decency in government, the Justices of our Supreme Court would bow to the mighty powers of this President, who has bent the rules and even our Constitution to suit her whims,” Roxas said in a statement.

“It sends a chill into our people’s hearts that a scenario of a failure of election could really happen, especially now with automation of the elections under question by many sectors and experts,” he said.
“With this decision, one of the most sacrosanct rule governing our democracy — that of co-equal branches of government serving as a check and balance to each other — has been thrown out the window. It sends a foreboding message to the people whose faith in the democratic system has been tested too many times, yet has never wavered.
“Whoever rules now makes the rules. The blindfold of Lady Justice has now been stripped off, and she is now being coerced to tip her scales in favor of President Arroyo and her clique who intend to keep power at all costs.
“This is not how a democracy is supposed to work. Mangling the spirit of our constitution to serve the whims of the present administration sets a dangerous precedent: Where once we had a glimmer of hope for the return of decency’s reign, now that glimmer has dimmed considerably. Future generations of Filipinos will now have to live under a system where the strong and mighty defines what is right and wrong.
“Hindi tayo papayag na yurakan ang demokrasya at ang ating Saligang Batas para mapanatili sa poder ang mga tiwali sa ating pamahalaan. Huwag nating biguin ang matagal nang inaasam ng ating taumbayan na pagbabago sa ating bansa.
“Kasama ang buong sambayanan, lalaban tayo!”
Ang mismong presidential bet ng LP si Sen. Noynoy Aquino ay nagsabi ng ganito sa report ng GMA New.TV:

“Is this because the SC is now packed with Arroyo appointees? Ito pa rin ba ang hustisya at katarungan sa kalakaran at pamamaraan ng kasalukuyang pamunuan? Ang palagay ko ay hindi makatarungan ito (Is this justice under the Arroyo administration? I think this is a form of injustice)," he said in a statement.

Sa palagay ko, kailangan pong linawin ng mga taga Liberal Party ang ibig nilang sabihin. Gusto ba nilang pamunuan ang mga taong bayan na huwag nang maniwala sa Korte Suprema. Ganito po ba ang ibig nilang sabihin?

Kung ganito po ang kanilang ibig sabihin, palagay ko po ay sinisira nila ang ating bayan para lamang sa kanilang ambisyong pamunuan ito, at pamunuan ito kahit sa anong paraan. Kapag hindi na po naniniwala na mga tao sa korte suprema, wala na po tayong pwedeng paniwalaan. Anarkiya po ang magiging kasunod noon, at mawawalan na po tayo ng pag-asa bilang isang bayan.

Wag po nating ipagbale-walang bahala itong mga ganitong statements. Alam niyo, sa mga statements na ganito makikita ang tunay na integrity ng mga kandidato.

At ito ang Sentro ng Katotohanan.

No comments: