Wednesday, February 17, 2010

Anim na Mungkahi para sa Pagsasagawa ng mga Debate o Forums

Nitong mga nakaraang araw at linggo, parang sunod-sunod ang mga presidential forums na naganap. Kamakailan, meron pong FOCAP, nung minsan, may forum ng Inquirer sa UP, noong isang linggo sa Merriam College, tapos meron din sa La Salle at Ateneo. noong dati sa UST, meron din sa AIM at kung saan-saan pa. OK po ang mga forums, kaso parang medyo nakakasawa na kung pare-pareho lang ang style. Parang nawawalan po tuloy ng saysay.

Para po maging exciting at makabuluhan ang mga forums na ito, may mga suggestions po ang Sentro ng Katotohanan. Sana po ay makarating ang mga suggestions namin sa mga nag-o-organize ng forums para na rin makatulong sa kapakanan at kaalaman ng ating mga kababayan:

1. Sana po, imbis na forums, debate ang gawin. Kung ang forums po ay tatanungin lamang ang bawat isa sa mga kandidato, e para saan pa kung bakit inimbitahan sila ng sabay-sabay? Pwede naman po silang tanungin ng hiwa-hiwalay, hindi po ba? Ang mainam po sa debate, makikita ng mga tao ang pag-kakaiba ng mga kandidato. Hindi po kagaya kapag forums lang, parang pare-pareho lang ang kanilang sinasabi. Nalilito tuloy tayo lalo kung sino ang dapat iboto.

2. Dahil hindi naman po iisa lang ang gagawing debate, dapat po ay paghiwa-hiwalayin ang mga issues sa bawat debate. Isang araw po ng debate ay puro lamang sana sa ekonomiya. Isang araw po ay puro lamang tungkol sa OFWs. Isang araw po sana ay puro lamang sa paglaban sa graft and corruption. Isang araw po sana ay puro naman tungkol sa Reproductive Health at population. Ibang araw naman ay tungkol sa Charter Change. Ang nangyayari po kasi ngayon, bawat isang forum ay pilit na itinatanong lahat ng mga tanong. Tapos ganun din ang nangyayari sa susunod na forum. Hindi naman po nakukumpleto ang sagot ng mga kandidato dahil nauubos na ang oras. Parang hindi na tayo natatapos sa pare-parehong tanong, nasasayang tuloy ang panahon at pagkakataon.

3. Sana po sa mga debate ay isang tao lang ang magtatanong o magmomoderate. Sa mga forums po na nakikita ko, ang daming nagtatanong. Lahat po yata ng mga tumulong mag-organize ng forum ay gustong magtanong. Ang nangyayari tuloy, walang nagiging follow-up sa mga kasagutan at wala rin tayong natatapos. Wag na po sanang pumapel lahat ng organizers, hindi naman po tayo lahat mahusay mag-tanong o magmoderate ng forum o debate. Sana po ay humanap ng isang professional at patas na tao, na may expertise sa issue na pag-uusapan, para magtanong o magmoderate sa bawat isang debate.

4. Dapat po ang mga tanong ay puro tungkol sa policies. Wag na po sana yung mga personal o yung mga iba’t-ibang issues laban sa kandidato. Kasi po yung mga tanong na iyon ay dapat sa individual interviews ginagawa, hindi na po sa debate o forum. Nakakadagdag lamang po sa paghihintay ng ibang kandidato, hindi naman din po nasasagot ng husto dahil nagmamadali na sa oras.

5. Sana po ay gawing televised sa primetime sa gabi ang mga debate sa maraming channels. Sana ay may replay din kinabukasan ng tanghali. Sana po ay i-sponsor na lang ng COMELEC ang mga forums o kaya ay i-air sa mga government stations. Kasi po, may mga ibang channels na parang may kinikilingan o may nilalabanan. Kung walang channel na may exclusive sponsor ng debate, mas mainam po at parang mas patas ang usapan. Hindi naman po dapat exclusive ang mga debate at forums sa isang channel, dapat po ito ay open sa lahat ng mass media.

6. Sa parte naman po ng iba sa mass media, sana po, ang lahat ng TV, radio at dyaryo ay mag-cover sa mga debate. Ang mali pong nangyayari, parang kanya-kanya ang mga media stations. Yung forum sa ABS-CBN, hindi konocover ng GMA, yung sa GMA hindi naman kinocover ng kabila. Kahit po iyong sa Inquirer hindi gaano kinover ng mga TV station. Para pong may kumpetensya pa. Public service na lang po sana ito, hindi na competition sa business. Kasi ang eleksyon po ay para rin naman po sa ating lahat, kasama na ang atin mismong business interests.

Ito po ang anim kong suggestions, ulitin ko lang po:
1. Debate po sana at hindi lamang forum, para makita natin ang pagkakaiba ng mga kandidato
2. Hiwa-hiwalayin po sana ang mga issues, iba-ibang araw ng debate po sana bawat issue para makita natin talaga ang mga solusyong ibibigay ng mga kandidato
3. Isang moderator po lamang sana bawat debate, hindi po kailangang lahat tayo ay magtanong.
4. Policy debates po sana ang gawin, wala na po sanang mga personal questions at mga issues na pwede namang gawin sa individual interviews.
5. I-televise sana ng live ang mga debate, sa prime time TV at open sa lahat ng mga channels, hindi exclusive.
6. I-cover po sana ng lahat ng mass media ang mga forums, para po mas marami ang makaalam sa lahat ng issues, Itigil na po muna sana ang kumpetensya sa mga media outlets.

Kami po sa Sentro ng Katotohanan (DWBL 1242KHz 8.30-9.30PM T-Th), ay umaasa na sana ay makita natin itong mga improvements na ito tungkol sa debate at forums. Maraming salamat po!

2 comments:

Loyd Danseco said...

Haha comment ulit ako, tagal ko na ring di nakakapakinig sa inyong talakayan. Napansin ko nga na sa mga forums na ginagawa sa TV, pare-pareho ng tanong, pare-pareho na rin ng sagot. Nawawalan na rin tuloy ng distinction ang bawat isa, yung iba pa nga eh dahil sa pareho na ang mga tinatanong nakakapag-"prepare" nang isasagot. Tama rin po kayo na may kinikilingan nga ang ibang istasyon. Napansin ko lang na sa primetime teleserye ng ABS-CBN halos lahat ng bida ay nakasalamin ala-Ninoy, hmm, di kaya subconscious manipulation ito sa electorate? Nakakatakot isipin na dahil sa disinformation at misinterpretation ng media, dadaan na naman ang isang eleksyon na hindi mananalo ang may karapatang manguna sa pag-angat ng ating bayan kundi isa na namang presidenteng galing pa rin sa puno ng mga maimpluwensiya at mayaman. At pag nangyari yun, kita-kita na naman tayo sa EDSA.

Yun lang po maraming salamat at more power. Ulit hahabol na lang ako sa pagdownload ng mga sessions nyo.

Arnel B. Endrinal said...

Hi Loyd, salamat ulit sa pagbisita mo.. EDSA? Huwag na sana..