May napala ba tayo sa EDSA?
Marami po sa mga Pinoy ang nagsasabi na ang EDSA Revolution ng 1986 daw ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Dahil daw po sa EDSA, sumikat at nagkaroon muli ng pride ang mga Pinoy. Tayo raw ay napatunayang sadyang peace-loving, dahil nagawa nating mag-revolution ng halos walang putukan at patayan, na ginaya pa nga raw ng mga taga-ibang bansa. Ito raw ang “Handog ng Pilipino sa Mundo, mapayapang paraang pagbabago” – sabi sa isang kanta.
Kung ako po ang tatanungin, parang walang nangyari matapos ang EDSA Revolution. Nakakalungkot pa rin po ang sitwasyon ng ating bayan. Marami pa rin ang corrupt sa loob at maging sa labas ng gobyerno. Hindi pa rin po pantay-pantay ang pagtrato sa mga mamamayan. Marami pa rin po ang mahihirap. Marami pa rin ang nagnanais mag-abroad at hindi pa rin po natin ma-ipagmayabang ang sariling bayan. Maging sa gobyerno, nandyan pa rin po ang maraming nakinabang sa diktadurya. At dumadami pa po sila, parang nanganganak pa.
Pero sa kabilang banda, ang pinakamahalagang accomplishment po ng EDSA, sa aking palagay, ay ang pagpapatalsik sa diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos. At dahil din sa EDSA at sa pagkaka-tanggal kay Marcos, bumalik din po sa bayan natin ang Press Freedom. Kung maaala ninyo, noong panahon ni Marcos, hindi po pwedeng magsalita laban sa gobyerno gaya ng ginagawa natin dito. Kung noong dati po tayo nagbro-broadcast ng ganito, siguro po ay patay na tayo ngayon. Kaya tunay na sunod-sunod na himala po talaga ang nangyari noon. Himalang kumilos ang mga tao, at himalang umalis si Marcos ng kusa, kung ano man ang dahilan. Marami po noong panahon na iyon ang hindi makapaniwala sa mga pangyayari. Kahit ako hindi rin po ako makapaniwala.
Siguro po ang tanong naman ninyo e, “E ano ngayon kung may press freedom, wala rin namang nangyari? Meron nga tayong Press Freedom, pero mahirap pa rin tayo!”.
Well, ang madaling kasagutan po dyan e, mas mahirap po siguro tayo ngayon kung hindi nagkaroon ng EDSA. Kung tititingnan po kasi natin ang economic trend noong panahon ni Marcos, makikita po natin talagang pabagsak ng pabagsak ang ekonomiya. Kung tumagal pa po siguro ang diktadurya, baka po talagang magkaroon din, pero this time, ng mas madugong rebolusyon.
Muli, sa kabilang banda, pwede rin pong sabihing “wala naman palang kwenta ang press freedom. Sa Singapore, kung saan nagkaroon din ng matagal na diktadurya sa panahon ni Lee Kuan Yew, bakit mayaman na sila at tayo ay mahirap pa rin. Hindi naman pala kailangan ang Press Freedom para yumaman ang bayan!”
Tama po, pero eto po ang kasagutan ko dyan. Sa Singapore, mayroon silang Lee Kuan Yew, isang taong gustong ayusin ang kanilang bayan. Sa Pilipinas po noong panahong iyon, Marcos po ang meron tayo, hindi po Lee Kuan Yew. Yun ang malaking pagkakaiba. Kung pag-iisipan po natin, maswerte po ang Singapore, dahil hindi naman po basta-basta lumalabas ang isang Lee Kuan Yew. Bihira po iyan. At kung wala pong Lee Kuan Yew, kailangan po natin ng Press Freedom, para mayroong nagbabantay sa Gobyerno.
Pero ang muli pong katanungan ay ganito: “E kung maganda pala ang Press Freedom, e bakit nga ganito pa rin tayo? Hindi naman pwedeng kainin, ika nga, ang Press Freedom!”
Alam ninyo, sa katanungang iyan, marami po ang kasagutan. Siguro po hindi natin ginagamit sa mahusay ang ating Press Freedom o ang kalayaan sa pamamahayag. Siguro po ay wala naman talagang nagbabantay sa gobyerno, nagkukunwari lamang ang ating mass media. Siguro po ang Press Freedom, nagagamit po sa business lamang, hindi para sa kapakanan ng bayan.
Iisa lamang po ang ibig sabihin nito. Hindi po sapat ang EDSA Revolution ng 1986. Hindi po tayo dapat mamahinga at mag-congratulate sa sarili natin dahil sa EDSA. Dapat po ay gamitin natin ang kalayaang ating nakuha, gamitin natin ang kalayaang ito para sa ikabubuti ng ating bayan.
Kaya nga po tayo nandito. At ito ang Sentro ng Katotohanan.
Sentro ng Katotohanan (DWBL 1242KHz, TTh 8.30-9.30PM) will stream live online at dwbl-am.mellow947.fm.
4 comments:
In the long-run, we should condemn EDSA. I could understand its expediency, but to mythologize it is simply insane.
I won't say condemn, but put history in its proper place is more like it..
I'd say EDSA 1 is not condemnable, but overrated. While a regime change happened, the forces working in the background did not change. Oligarchism, cronyism and the intrinsic moral faults of Filipino culture remained... and probably even multiplied because the check and balance that was the Marcos dictatorship disappeared.
Overrated in some way yes. Problem is we stayed and revel at the miracle, while we did not look at the lessons we can learn from it.
I say stop the drama and start looking at and applying the lessons from our history, including EDSA.
Post a Comment