Tuesday, November 17, 2009

Which is more Important, Manny Pacquiao or the APEC summit?

The following is tonight's Sentro ng Katotohanan talking points now being posted here prior to the broadcast.

Ano ang mas Importante sa bayan, si Pacquiao o ang APEC?

Noong Linggo, halos lahat po siguro ng mga Pinoy ay nanood ng labang Pacquiao at Cotto sa kanilang TV. Yung iba po ay nakapanood ng live nito sa kanilang cable (PPV). Yung iba po ay sa mga restaurant at hotel na nagpalabas ng live. Marami din po ang mga nanood sa mga live feed na ini-sponsor ng mga politiko sa kanilang mga lugar. Meron din pong nakinig lamang ng live sa BB at sa LS sa AM at FM radio.

Ako po, kagaya siguro ng mas nakararami ay nanood lamang sa channel 7, kung saan ang 45-minute na labanan ay hinintay ng lahat sa loob ng 4 na oras at ang mismong laban ay ipinalabas sa loob ng mahigit 2 oras. Namamamaga na po yata ang mata ko matapos ang showing.

Sadya, sa buong Pilipinas ay napakahalaga ang labang ito ni Manny Pacquiao. Siya po ay ang idolo ng bayang Pilipinas, ang Pambansang Kamao, sabi nga po sa mass media.

Sa kabilang banda naman, noon pong linggo, natapos ang isa rin sa mga bagay na mahalaga sa bayang Pilipinas, ang APEC (Asia Pacific Economic Cooperation) summit na naganap sa Singapore. Nandoon po ang ating Pangulo, kasama na rin ang mga pangulo ng maraming bansa (21) na nakapaligid sa Pacific Ocean. Nandoon po si Obama ng Amerika, si Hu Jin Tao ng China, ang mga pangulo at pinuno ng South Korea, Indonesia, Peru, Chile, Canada, Australia, Taiwan, Japan, Brunei, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guniea, Vietnam at Thailan, at maging ang presidente ng Russia na si Dimitry Medvedev.

Sabi sa CNN, may lavish dinner pa nga raw sa Singapore. Pero ang pinag-uusapan po doon ay tungkol sa ekonomiya at trade at ang climate change. Sa isang bansa po ng sadyang mahirap, at ang pagbangon ng ekonomiya ang siyang sinasabing pinakamahalagang bagay na dapat ay nasa agenda ng lahat ng mga politiko at opisyal, mahalaga siguro po ang APEC summit na ito. Sa isang bansa po na dinaanan kamakailan ng bagyong Ondoy at Pepeng, na pumatay ng mahigit 500 katao, dobleng napakahalaga siguro talaga ng summit na iyon.

Sa Inquirer (na siyang number one newspaper daw po sa Pilipinas at siyang pinagkakatiwalaan ng tao), noong linggo, nakasentro po ang headlines tungkol sa laban ni Manny Pacquiao. May malaking picture po si Pacquiao habang nagfle-flex ng muscles. Nakalagay po kung ano ang timbang nya, ano ang mga napalanunan na niya dating belts, ano ang masasabi ng iba-ibang tao tungkol sa laban, kung paano muntik mag-away ang coach ni Cotto kay Coach Roach, at kung ano-ano pang mga trivia. Sa parehong araw, nandun po sa Inquirer din, isang maliit na feature ang pagdating ni Pangulong Arroyo sa Singapore kung saan hindi siya nakapagpapicture sa logo ng APEC sa airport kasi nauna at natagalan ang mas malaking ng delegasyon ng Vietnam. Yun po ang coverage ng Inquirer tunkol sa participation natin sa APEC noong linggo.

Kagabi, sa GMA7, sa kanilang evening newscast na nag-umpisa ng 6:30 at natapos ng 8:15 ng gabi, mahigit 45 minutes po ang inilaan kay Pacquiao na mga balitang inulit lang naman, kasi, ipinakita na din ito noong umaga sa Unang Hirit. May 3 minutes po silang inilaan sa nanalo sa kanilang Survivor Philippines, may mga 3 minutes pong inilaan tungkol sa balita sa paglipat nina Ate Vi at Kuya Ralph sa LP, mga 4 minutes po sa tungkol sa barilan sa bulacan kung saan involved and isang reporter, 2 minutes sa pagsabog ng isang granada sa QC.. mga 30-40 minutes sa advertisement... Alam po ninyo kung ilang minuto inilaan nila tungkol sa APEC? Zero po, zero. Sa mata po ng GMA7, parang hindi po nangyari ang APEC.

Ang tanong ko, alin po kaya ang mas importante sa bayan, yun laban ni Pacquiao o yung mga pangyayari sa APEC summit? Siguro, may magsasabi po mas mahalaga ang APEC. Meron din magsasabi na bagamat mahalaga ang APEC, mas mahalaga ang laban ni Pacquiao. Pero, wala po naman sigurong magsasabing hindi mahalaga ang APEC summit.

Ang nakalulungkot, lumalabas po sa ilan sa malaking mass media natin, pinaka-importante po sa buhay ng Pinoy ang laban ni Pacquiao at totally walang saysay ang APEC.

Kung ganito po ang sitwasyon, dapat po siguro ay huwag na tayong sumali sa APEC. Siguro po dapat: ang Pangulo, ang kanyang mga Secretaries at mga Congressmen na nasa kanyang delegasyon ay nagpunta na lang dapat sa Las Vegas at nanood na lang ng laban ni Pacquiao kaysa magpunta ng Singapore at umattend ng APEC. Siguro, imbis na magmyembro tayo ng APEC, dapat sumali na lang tayo sa WBA, o WBO, o IBF? Hindi ko po tinatanong ang masa, ang tinatanong ko po ay ang mass media!

Kung pag-iisipan po natin, habang tayo ay nagiging lango sa kasiyahan sa pagpapakita ng mass media sa atin paulit-ulit sa pagkakapanalo ni Manny Pacquiao, ang atin pong Presidente, na tila mo ba, ayon na rin sa mass media, pinaka-corrupt na Pilipino sa buong mundo, ay lumalabas na nagtratrabahong mag-isa para sa ating kapakanan at walang nakakapansin doon sa Singapore.

Iyan po ang Sentro ng Katotohanan sa araw na ito.


www.leadphil.blogspot.com

Saturday, November 14, 2009

Ang Kapatiran Party goes to Sentro

Ang Kapatiran Party founder, Mr. Nandy Pacheco, and one of Ang Kapatiran senatoriable, the book Author Manny Valdehuesa Jr. visited our station and joined our program Sentro ng Katotohanan last Thursday.

Mr. Valdehuesa recently published a book called A NATION OF ZOMBIES: POWERLESS GRASSROOTS, CLUELESS ELITE AND THE CYCLE OF CORRUPTION IN THE PHILIPPINES.

The archived broadcast is now available for download or listening from www.leadphil.blogspot.com

Meanwhile, last thursday's talking points transcript follows:

Ang Kano para sa Amerika, Pinoy para sa Pilipinas

Dumating na nga raw po si US State Secretary Hillary Clinton sa Pilipinas. Dati po, nung siya ay first lady pa, alam ko nagpunta na rin siya sa Pilipinas. Tayong mga Pinoy ay sinasabing mga hospitable na tao, kaya welcome po kay Sec. Clinton.

Kaninang umaga, narinig ko sa radyo na hinuhulaan ng mga commentators kung ano ang dahilan kung bakit nagpunta sa Pilipinas si Sec. Clinton. Ang opisyal kasing statement ng Malacanang e kaya raw pupunta sa Pilipinas ay para ipakita ang solidarity ng American People sa Filipino People, lalo na tungkol sa naganap na pagbagyo at delubyong nakaraan. Parang gustong palabasin ng mga commentators na napakasinungaling ng mga government officials natin at ayaw pa kasing sabihin ang totoo, na marahil daw ang pag-uusapan ay ang Visiting Forces Agreement.

Alam niyo, ang VFA ay isang bagay na tila mo napakasama ang dating sa mga Pinoy dahil sa mga naririnig natin. Ito raw ang lumalabas na pakana ng Amerika para masagkangan ang ating kalayaan.

Sa totoo lang po, hindi naman po dapat itanong pa kung bakit nagpunta dito si Clinton. Sigurado naman po kasi natin na kung ano man ang gagawin niya ay para sa interes ng Amerika. Siempre... Alangan naman na kaya siya pumunta dito ay para sa kapakanan ng Pilipinas? So, nakakatawa kung gagawing issue pa yan.

Ang tanong po siguro marahil ng karamihan ay kung masama ito o mabuti para sa Pilipinas? Kung ako po ang tatanungin, wala po sa Amerikano ang ikabubuti ng bayan. Wala rin po sa Japan o sa China, maging sa Russia o sa Saudi Arabia.. Ang ikabubuti po ng Pilipinas ay nasa kamay po ng mga Pilipino, nasa sa ating Leader po kung ano ang magiging direksyon ng bayan natin, lalo na sa may kinalaman sa pakikihalubilo natin sa daigdig. Ito po ay nagdedepende kung sinong Leader ang iluluklok natin sa gobyerno. Kung ang isinusulong po ni Clinton ay ang American Interest, nasa sa atin naman po na pangalagaan ang ating sariling interest... Ang mahalaga po ay napapangalagaan natin ang ating interest nang hindi tayo nakikipag-away sa ibang bayan. Ang maganda nga po e kung meron pa tayong maproprobecho sa kanila, eh kuhanin natin pero nang hindi natin isinasakripisyo ang pangmatagalang kapakanan ng ating bayan. Ngayon, kung akala po natin, si Clinton ang may dahilan kung bakit tayo ay nagiging kawawa sa mundo, e nagkakamali po tayo.

Kung tungkol sa VFA lang ang dahilan ng pagpunta ni Sec. Clinton dito, kailangan pa ba talagang magpunta siya. Di po ba, tawag lang sa telepono pwede na? Obvious po, kaya po nagpunta rito ay para ibenta ang Amerika sa bayan natin.. ibig sabihin po para ipakita ang kanilang magandang mukha... Siguro sa pamamagitan ng pagpapakita sa atin na importante ang bayan natin sa Amerika.

Eh dahil po sa importante rin ang Amerika sa atin, dahil
- ang Amerika po ang may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo,
- ang Amerika rin po ang maaring makatulong sa ating external security dahil sila ang may pinaka-modernong military,
- ang Amerika rin po ang may kapasidad na magpagulo o magpatahimik sa buong mundo dahil sa kanilang involvement sa kung saan saan.. talagang importante po ang Amerika sa world affairs,

E kailangan pong ipakita natin ang ating hospitality kay Sec. Clinton. Kailangan lang pong malinaw sa atin kung ano ang kailangan natin sa Amerika, at gamitin naman natin bilang leverage ang mga bagay na kailangan naman nila sa atin.

So welcome po Sec. Clinton! we wish you good tidings. Merry Christmas na rin po in advance!

Wednesday, November 11, 2009

Sentro and the Get Real Gang

Yesterday, Sentro ng Katotohanan, again, had as guest Get Real advocate OrionD who brought along Get Realist Laurence and Pinoy Buzz blogger Paul Farol. The broadcast is now available for download or listening online.

Meanwhile, the following is the transcript of yesterday's Sentro Talking Points..

Ang Tanging Pamilya

Bukas po yata ay lalabas na ang pelikulang “Ang Tanging Pamilya”, kung saan bida ang dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada, kapartner niya si Ai-Ai delas Alas. Kasama rin sa pelikula sina Toni Gonzaga at si Sam Milby. At introducing sa pelikula si “PacMom”, Mrs. Dionisia Pacquiao. Manonood ba kayo?

Nung last week, nabasa ko naman pinag-uusapan ang Ninoy-Cory Movie. Pinag-iisipan pa kung sino ang lalabas na mga artista. Baka si Piolo Pascual at si JudyAnn Santos daw ang lumabas na Ninoy at Cory nung bata pa sila.. yun daw ang gusto ng magkakapatid… O baka raw John Lloyd o Bea Alonzo…, parang yun naman ang gusto ni Kris Aquino.. Pwede rin daw si Vilma Santos ang gumanap na Cory Aquino noong presidente na, kaso baka daw magkaroon ng restriction kay Vilma Santos dahil sa campaign. Kaya baka si Sharon Cuneta na lang.. Ibig sabihin, inaasahan po siguro na lalabas ang pelikula during the campaign period sa 2010. Pwede rin daw si John Lloyd ang lumabas na Noynoy. Si Kris Aquino daw, si Kim Chiu daw ang gusto niyang artista na lumabas na Kris.

Ano sa palagay niyo, OK ba to?

Alam ninyo, medyo un-easy ako dito sa mga pangyayaring ito eh. Hindi kaya kabastusan na ito? Binabastos na tayo ng harap-harapan e parang naka-smile pa rin tayo? Para yatang binobobo na tayo ng husto ng mga politikong ito, ano po sa palagay ninyo?

Payag po kaya si Senador Noynoy Aquino sa mga developments na ganito? Gusto kaya po niya talaga na magkaroon ng Ninoy at Cory movie bago mag-eleksyon? Ganito po kaya ang integrity na ibig sabihin ng supporters ni Noynoy? Ano po kaya ang pinag-kaiba sa kampanya ng kampo ni Noynoy at ni Erap.

Alam ninyo sa mga advanced countries, kapag ganito ang presidentiable, sigurado talo na. Sigurado, kinabukasan, kakausapin na kayo ng mass media at babanatan maghapon sa ere. Pero bakit kaya dito sa atin, OK lang.. OK lang po ba kaya kasi talaga sa mga taong bayan? O, ok lang po kaya kasi sa Mass Media.

Ang producer po ng Ang Tanging Pamilya ay Star Cinema na pag-aari ng ABS-CBN. Sinasabi, kapag natuloy ang Ninoy and Cory Movie, Star Cinema din ang mag-pro-produce. Araw-araw po, pag nakikinig ako sa radyo at TV sa mga commentators ng ABS-CBN, tira po sila ng tira sa corruption ng gobyerno. Hindi po kaya kaparte sila sa corruptiong mga nagaganap?

Napanood ko iyong trailer nung Ang Tanging Pamilya. Comedy po. Nakatuwa naman sina Ai-ai, at Tony Gonzaga. Pero si Pangulong Erap hindi po talaga nakakatawa. Kasi, parang nahihirapan nang kumilos. Parang mamasa-masa yung mata at hindi makakilos ng mahusay, Pati magsalita parang nahihirapan. E siempre naman, mahigit 72 years old na siya eh. Si Ai-ai delas Alas, 45 years old pa lang.., pero ang labas nila mag-asawa.. Sa totoo lang, hindi ko alam kung may manonood nito. Nung pinanood ko yung trailer, medyo sumakit po ang ulo at batok ko. Pinipilit ko pong magustuhan pero ayaw po talaga.

Alam niyo, ang dating pangulong Estrada ay na-convict po sa kasong plunder. Na-convict po, ibig sabihin po noon e napatunayang kumuha siya ng milyon o bilyong piso..., pera na sana ay nagamit natin sa bayan para sa mahihirap. Sa palagay po ninyo, nakakatawa po ba iyon?


www.leadphil.blogspot.com

Tuesday, November 10, 2009

WANTED: President

A nation of more than 90 Million people, rich in natural resources, with an annual budget of more than PhP1.5Trillion, is in urgent need of a President to be installed by the end of June, 2010. The President we have in mind:
- Must be a Filipino citizen (by birth), at least 40 years of age, and must have shown and proven his/her love of country and people.
- Must have very high intelligence and the ability to communicate well with people of all ages, backgrounds, religion and nation. He/she must be believable and ignites trust and influence in the people he/she encounters
- Must exude extreme confidence, must be in good health and have the ability to work under extreme pressure
- Must have high integrity, have not been convicted of any crimes, nor have been proven to lie under oath in the past

To qualify, the candidate:
- Must present his/her resume with credentials, family background, financial worth, state of health, and affiliations
- Must present his/her solid, verifiable and measurable accomplishments in the past especially those showing his/her leadership capabilities
- Must present his/her historical and present positions and their justification in many different issues affecting the country such as but not limited to The Reproductive Health Bill, The Visiting Forces Agreement, People Power 1 and 2, Early political campaigning and electoral reforms, Value Added Tax, Oil Deregulation, Estrada Pardon and 2010 Candidacy, Agrarian Reform, Endorsement of Political candidate by religious leaders, Oakwood Mutiny and the Manila Peninsula Siege, NBN/ZTE and the Jun Lozada testimony, Charter Change, etc.
- Must present actionable platforms which include solutions to different problems hounding the country, such as extreme poverty aggravated by graft and corruption, war in Mindanao and with the NPA, poor physical and business infrastructure, ballooning public debts and budget deficits, low quality of public education and healthcare, etc.

To apply, please fill up an application and submit with the COMELEC Main office on or before November 30, 2009. Qualified candidates will be invited for various interviews, forums and debates from February to May, 2010. Failure to attend such interviews, forums or debates will mean that the candidate is not interested in the position and shall be cause for non-inclusion, if not outright disqualification.

Gawad Kalinga sa Sentro

Last Thursday, we have Gawad Kalinga's (GK) Dr. Eric Cayabyab as our guest at Sentro ng Katotohanan. Learn more about GK, their history and advocacy. Download or listen to last thursday's broadcast.

Meanwhile, the following is the transcript of the same broadcast's talking points.

Ang Mindanao Peace Problem

Sa Mindanao, nasa balita po yung tungkol sa nakidnap na pari na si Fr. Sinnott dun sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur. Pinag-aawayan po sa balita ng gobyerno at ng MILF ang kidnapping na ito. Sabi po ng gobyerno, ang MILF daw ang nasa likod ng kidnapping. Ang sabi naman po ng MILF, hindi raw sila ang nagkidnap. Tumutulong pa nga raw sila para ma-secure ang biktima.

Natatandaan ko nung 2007, meron din pong foreigner na pari na nakidnap sa Mindanao. Kung natatandaan ninyo, si Fr. Bossi, isang Italian priest po ay nakidnap din sa Zamboanga Sibugay, pero buti na lang na release din. Matagal na panahon na po, may mga pari ang missionaries na nakikidnap doon. Kahit nga si Ces Drilon, nakidnap din daw. Meron din mga nakidnap na iba pang mga broadcast journalists...

Noong 2001 po nakidnap din ang mag-awang Martin at Gracia Burham. Binabasa ko nga po yung libro na ginawa ni Gracia Burnham tungkol sa kidnapping na iyon, makikita po natin na talagang may malaking problema tayo. Ang masama po nito, pinagdududahan din po noon maging ang mga politiko nang involvement sa mga kidnapping na ito..

Ang tanong ko po, ano po ba talaga ang problema natin sa Mindanao? Darating po ang Eleksyon sa 2010, pero bakit po ang mga politiko natin ay walang sinasabi tungkol sa problema na ito? Bakit po hindi nila sinasabi kung ano ang magandang solusyon sa problema doon? Hindi po ba nila alam ang kasagutan?

Noong na-interview po natin si MMDA Chairman Bayani Fernando, ang sinabi po niya, kailangan daw ay dagdagan ang government service sa Mindanao. Dapat daw ay hindi lang basta government service ang ibigay sa tao, kundi isang uri ng government service na talagang mapapa-wow ang mga mamamayan. Dapat daw, parating nag-iimprove ang government service ng sa gayon ay parating nagmamatyag ang mga tao at hindi magiging abala sa pagrerebelde. Sabi rin po niya, kailangan daw ang superior technology para sa ating military, para mabawasan ang casualty sa parte ng gobyerno. Kapag ganito daw ang ginawa, unti-unti raw mawawalan ng saysay ang mga rebelde doon. Nagkulang lang po ang oras namin sa interview kaya’t hindi ko na naitanong kung paano popondohan ang mga solusyon na ito. Kung maganda po ang solusyon ni Chairman, nasa mga tao na po iyon. Pero si Chairman, hayun mababa sa survey.

Ang mga nangunguna sa survey, sina Noynoy at Villar, ano po ba ang solusyon nila? Hindi ko po alam. Baka po kulang lang ang research ko pero wala po akong nakita. Kung may alam po kayo, sabihan niyo kami. Pero ang importante po, iyon dapat ang mga issues na pinag-uusapan natin. Kailangan po siguro pagdebatihin natin ang mga presidentiables tungkol dito. Dapat po siguro itanong natin kung paano popondohan ang kanilang mga plano. Dapat rin po siguro itanong natin sa kanila kung ano ang mga nagawa na nila sa mga nakaraan na magpapatunay na kaya nilang gawin ang kanilang mga pinaplano.

Sa totoo lang po, kapag hindi natin tinanong sa panahong ito ang mga kandidato, magbabago po kaya ang bayan natin matapos ang eleksyon sa 2010? Kapag hindi po natin sila tinanong ngayon, palagay ninyo magkakaroon ng katahimikan sa bayan natin lalo na sa Mindanao? Kapag basta bumoto na lang tayo, yayaman po ba ang Pilipinas, mawawala po ba ang mahirap? Sa palagay ko po, hindi e. Pero pag tinanong natin sila at pinilit natin silang sumagot, may tsansa po tayo sa mas magandang hinaharap. Kasi po iyong magiging sagot nila ay magiging commitments nila sa bayan.

So please lang po, tanungin natin ang mga kandidato. Ito po ay para sa kapakanan ng mga pinaka-mahihirap sa ating bayan. Ito po ay para sa kapakanan ng mga anak natin at sa kanilang kinabukasan.


www.leadphil.blogspot.com

Wednesday, November 4, 2009

Sentro Got Real (Part 2)

Yesterday, Sentro ng Katotohanan had Orion Dumdum again of GetReal Philippines to discuss more about forms of government, minority presidents, and platforms. The said broadcast is now available for listening or download.

Meanwhile, the following is yesterday's Sentro ng Katotohanan editorial/talking points..

Electoral Reforms

Alam po ninyo, kapag nagbabasa, nanood o nakikinig ako ng news, parang kokonti at paulit-ulit lang ang laman ng mga balita sa atin.. Nandyan po ang mga sakuna kagaya ng bagyo, lindol o sunog. Kapag may laban si Pacquiao, o kaya ay nanalo sa kanyang laban, puro iyon na lang ang balita. Kapag may graft and corruption expose sa Senado, puro iyon din ang laman ng dyaryo. Bukod doon, nandyan din ang mga patayan o kaya mga aksidente. Siempre, nandyan at malaking oras ang ginugugol sa balitang artista. And of course, kapag panahon ng eleksyon, nandyan ang balitang politika.

Wala naman pong masama rito. Minsan lang po, nagtataka ako kung bakit ang mga mas importanteng issues sa bayan ay hindi gaanong nababalita o napapag-usapan.
- Nakakalimutan natin ang ekonomiya, ano ba talaga, gumaganda ba o pumapangit ang ating ekonomiya?
- Puro graft and corruption ang issue pero walang solusyon?
- Ang presyo ng langis ay nagiging political issue
- Kailangan ba natin ang Jury Trial system, pati ang Grand Jury? Hindi napapag-usapan..
- Kailangan ba natin talagang baguhin ang ating konstitusyon?
- Bakit hindi natin napapag-usapan ang healthcare sa Pilipinas? Kahit nga yung women’s healthcare ay hindi napapagdebatehan ng husto…
- Hindi rin napapag-usapan ang relation natin sa ibang bansa
o Kapag lumalabas ng bansa ang pangulo, pinag-uusapan lang natin kung malaki nagastos sa restaurant at kung nag junket lang ang mga kasamang kongresista

Noong mga nakaraang taon, ang pinagkaka-abalahan ng mga tao sa pagbabalita na rin ng mass media ay kung paano mapapatalsik si Pangulong Arroyo. Nandaya daw ang pangulo sa eleksyon, na-involve daw siya sa ZTE deal, kumain daw sa Le Cirque, marami raw extra judicial killings at kung ano-ano pa..

Sa totoo lang, alam naman po nating lahat na ang pangulo ay hindi mag-reresign. Pero pilit pa rin po natin itong pinag-reresign. Alam din po natin na hindi natin siya mapapatalsik nang hindi magkukudeta, pero parang gusto pa nga nating magkagulo. Kahit sa kahuli-hulihan, puro term extension ang ating pinangangambahan. Kaso ang lumalabas, para tayong lahat natutulog sa pansitan.

Sabi ng marami, dinaya daw ng pangulo ang eleksyon. Pero simula noon hanggang ngayon, ang mga senador, mga congressmen, mga oposisyon, mga taong-bayan, wala po sila lahat na isinulong na electoral reforms. Gusto po ng lahat, magresign si Pangulong Arroyo, yun lang po basta. Tila nyo pag nag-resign si Pangulo, wala na tayong problema.

Kung titingnan natin, ang pinakamalaking election reform pa nga na naganap ay ang pagpapatupad ng Automated Election. Kung iisipin, ang administrasyong Arroyo pa nga na siya diumanong mandaraya pa ang siya pang nakapagsulong ng kaisa-isahang electoral reform sa Pilipinas.

Pero ano pa po ba ang mga kailangan nating baguhin sa sistema natin sa eleksyon?

Ngayon po makikita natin na sa automation, baka sana mawala na ang dayaan sa bilangan. Pero may isa pa pong dayaan na dapat nating tingnan na nangyayari ng harap-harapan: Ito po ay ang dayaan sa kampanya.

Habang sumisigaw tayo na mag-resign ang pangulo, wala pong nakaisip kung paano maipagbabawal ang paglabas ng mga politiko sa mga advertisement o endorsement ng produkto. Sa totoo lang po, ang pag-endorso ng mga politiko sa anumang produkto ay masama – ito po ay may obvious na conflict of interest. Pero hanggang ngayon, nangyayari po ito.

Habang gigil na gigil tayo sa galit kay Pangulong Arroyo, ni hindi po natin napag-usapan kung paano ipagbabawal ang pag-advertise ng mga ibat-ibang departamento ng gobyerno sa kanilang mga infomercials. Patuloy pong nakalagay ang mga mukha ng politicians sa mga projects at mga information ads nila. Sa lahat po ng okasyon, pasko, valentines, graduation, undas, ay may mga tarpaulin greetings tayong nakikita. Sa radio at TV, punong puno po ng advertisement ang ating mga politicians.

Samantalang sa isipan ng lahat ng tao ay napakasama ng ating pangulo, kaya po lahat ay nagsasabing walanghiya daw si Gloria, kahit ordinaryong tao yan ang sinasabi, Pero nauto yata tayo kasi wala ring pagbabagong nagaganap sa kapaligiran. Harap-harapan po, nagcacampaign na ang lahat bagamat may naka-specify na campaign period. Siguro po talagang maigsi ang campaign period natin, pero sana po ay tanggalin na yung provision na yun kung ang iba ay pwedeng mangampanya. Kawawa po kasi ang mga susunod sa batas, sila po ay paniguradong matatalo.

Samantalang galit tayo kay PGMA dahil ayaw niyang sagutin ang mga paratang sa kanya, ang mga politiko po ngayon ay nakakapagtago at hindi natin matanong ng mga tanong na dapat nilang sagutin. Nasaan po ang platform nila, nasaan po ang accomplishments nila, nasaan po ang posisyon nila sa mga iba-ibang issues, hindi natin ito lahat malaman. Mi hindi po natin sila mapilit na sumali sa forums at debates. Boboto lamang tayo sa huli na para tayong mga bulag, basta bahala na. Sabi ng iba, si Noynoy na lang, mukhang mabait naman at anak ng mga heroes. Sabi ng iba, si Erap na lang kasi makamahirap. Si Villar na lang kasi galing sa hirap. Si Gibo na lang kasi parang matalino. Hanggang ganito na lang po kaya tayo? Hindi po kaya tayo parang isang malaking joke nito?

Malapit na po ang eleksyon, kulang na po ang panahon para sumigaw tayo ng electoral reforms. Pero sa obvious na panlolokong harap-harapan na nagaganap sa atin masisisi po ba natin ang masa na sumusunod lamang? O ang mga elitista kagaya ng nasa mass media at mga politikong oposisyon man o administrasyon, at maging ng mga taong nagsusulong ng kung ano-anong reporma, na siyang tunay na sinusundan?

Nasa ating tagapakinig po ang kasagutan, iyan po ang sentro ng katotohanan.


www.leadphil.blogspot.com

Monday, November 2, 2009

Lead Philippines Survey: Do Internet Users Influence the 2010 Surveys?

This is an e-mail survey being conducted by Lead Philippines to determine the influence of internet users to the 2010 surveys conducted by two most popular polling agencies. The results of this survey will be posted at www.leadphil.blogspot.com. The survey question is as follows:

Were you ever interviewed by or a respondent to either Pulse Asia or Social Weather Station (SWS) in any of their 2010 Philippines Presidential Surveys?

E-mail your answer (either YES or NO) to lead.philippines@yahoo.com

Also, to help in this survey, please forward this e-mail to as many internet or e-mail users as possible. Thank you for participating.

LEAD PHILIPPINES